Chapter 23

1557 Words
I massaged my temple after seeing the visions that flashed in my mind. Ano ba ang nangyayari sa mundong 'to, bakit ko ba kailangang iligtas ang mga taong walang disiplina sa kanilang sarili? They have their own mind so they should think about their welfare. Mariin kong hinawakan ang gilid ng mesa, nahihilo pa ako dahil sa aking pangitain. Parang ginagalugad ang bawat parte ng aking utak. Saktong kakabukas ng pinto at pumasok si Ryan kaya nadatnan niya ako sa sitwasyong ito. Mabilis na tumakbo siya sa aking tabi upang alalayan ako. "Miss! Nahihilo po ba kayo?" Tanong niya sa akin. Gusto ko siyang batukan dahil halata naman sa aking kilos. Hinawakan niya ang aking braso saka inalalayan akong maupo sa swivel chair. Tumakbo siya palabas sa opisina at pagbalik niya ay may dala na siyang high ball glass na puno ng tubig. Nilapag niya ang baso sa harapan ko nilapit ng kaunti palapit sa akin. "Inumin mo, Miss. Ito ang gamot para mawala ang hilo niyo," hinawakan niya ang aking palad saka nilagay ang isang tabletas. Nawiwirduhang tinitigan ko siya pero ininom ko naman ang binigay niyang gamot at ang tubig. Inubos ko ang laman ng baso bago ilapag muli sa mesa. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Natatarantang tanong niya habang tinititigan ang aking mukha. "Gano'n ba kabilis umepekto ang gamot?" Pabalang kong balik-tanong. Nakamot niya ang kanyang ulo dahil sa hiya. Hinablot ko ang kulay itim kong pouch at tumayo. Hindi ko pinansin ang mga tanong ni Ryan sa akin. Dapat kong iligtas ang babaeng nakita ko. Dahil ayokong may mawala nanamang buhay sa aking kapabayaan. They’re now my responsibility so I should help them. I get inside the elevator and snapped my hand to disappear, I appeared inside my Bugatti Chiron car. Pinaandar ko ang sasakyan at nagmaneho patungo sa isang restaurant. Habang nagmamaneho ay paulit-ulit na naglalaro sa aking utak ang aking pangitain. Masayang kumakain ang isang matabang babae. Maraming nakahain sa harapan niya, iba't-ibang putahe at ang lahat niluto niya. Halos hindi na ito makahinga dahil puno ang kanyang bibig, ang kanan niyang kamay ay may may hawak na tatlong barbeque habang ang kaliwa niyang kamay ay abala sa pagdampot ng inihaw na karne. May isang kahon ng pizza sa kanang bahagi ng mesa, sa gitna ang isang plato ng inihaw na karne at isda. Sa tabi nito ay merong buttered shrimp at buttered crabs, meron din barbeque tapos sushis at isang plato ng lechon. Bigla siyang nabulunan at dahil naubos ang tubig sa kanyang tabi ay hindi agad siya naka-inom, hindi rin siya nakasigaw ng tulong dahil sa kinakain niya. Natumba sa sahig at nawalan ng buhay. I stepped on the gas pedal to accelerate the speed of my Bugatti Chiron. Ilang sandali ay nakarating ako sa restaurant. Maganda ang pwesto nila. Malapit sa universidad kaya tiyak akong marami ang estudyanteng nagpupunta rito upang kumain o kaya naman ay mag-aral. This is actually a nice place but I don't like the spirit that's haunting the restaurant, the spirit of gluttony. Dumeretso ako sa pagpasok at agad kong napansin ang kalinisan ng paligid. Walang kahit na anong kalat, maganda rin ang ambiance rito. Organisado ang mga mesa, upuan pati na rin ang mga gamit sa tabi at ang mga indoor plants. Maganda ang lugar na ito lalo na kung may gaganaping okasyon. Pumanhik ako sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. Mukhang ito ang para sa mga VIP guests. Kapansin-pansin ang mga mamahaling vase na pinaglalagyan ng tanim. Mukhang ginastusan ng malaki base na rin sa kabuuang disenyo ng lugar. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit upang bumukas. Mabilis akong pumasok sa loob. Agad kong nakita ang chandelier na gawa sa ginto at dyamante, hindi ko nga lang alam kung tunay. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking pakay. Nakaupo siya sa isang ladder back chair at nakaharap sa round table. Maraming pagkain ang nakahain sa harapan niya, katulad nang nakita ko sa aking pangitain. Subo lang siya nang subo kahit meron pang laman ang bibig. Napailing naman ako, sobra-sobra ang katakawan niya. Halos lumubo na rin ang katawan niya dahil sa sobrang pagkain. Napansin kong hindi siya makahinga kaya lumapit ako sa kanyang likuran. Pinalibot ko ang aking kamay sa kanyang katawan, ang aking kamao ay nasa tapat ng kanyang sikmura, ilang beses kong diniinan 'yon hanggang sa mailuwa niya ang karneng bumara sa kanyang lalamunan. Habol niya ang kanyang hininga. Samantalang naghanap ako ng pwedeng mapagkunan ng maiinom na tubig. Mabuti na lamang at may nakita akong water jug sa isang tabi. Pinuno ko ang isang Collins glass saka nagmamadaling lumapit sa babae at pinainom ang tubig. "S-salamat," aniya matapos uminom. Tipid siyang ngumiti saka ibinalik ang tingin sa mga pagkain. Mukhang may balak pa siyang magpatuloy sa pagkain. Hindi man lang ba siya nabubusog? Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Mukha naman siyang nahimasmasan kaya humarap siya sa akin. Ngumiti siya ngunit ilang saglit ay napalitan nang pagtataka ang ekspresyon ng kanyang mga mata. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" "Hindi na importante kung sino ako," seryosong saad ko. Nakatulala lang siya sa aking mukha, napansin kong unti-unting bumabalot ang itim na aura sa kanyang katawan. Sinuntok ko siya bago pa man makapasok ang espirito sa katawan niya. Pinukol niya ako nang masamang tingin ngunit ngumiti lang ako. "Pwede bang iwan mo muna ako rito? Titingnan ko ang kabuuan ng iyong restaurant." Baling ko sa babaeng kaharap ko. Batid kong nagtataka siya pero sinunod niya rin ang aking nais. Mabilis siyang tumakbo sa pababa sa unang palapag. Binaling ko ang tingin sa espirito at sinamaan ng tingin. "I'm sick and tired of this game. Just go away," I said in annoyance but the spirit changed it's form. I snapped my fingers and a crossbow appeared in my hands. Tinutok ko ang hawak na crossbow sa kanya. Mukhang hindi manlang siya natakot, mala-demonyo siyang humalakhak kaya nabitawan ko ang crossbow para takpan ang aking tenga. Mas nilakasan niya ang paghalakhak. "S**t! My ears!" I cussed and scowled at the evil spirit. He keeps on laughing that my ears almost bleed. Napaupo ako dahil tumilapon ang mga silya patungo sa aking direksyon. He's controlling the objects. Hinawakan ko ang mesa at tinumba sa harap ko upang magsilbing proteksyon. Subali't lumipas ang ilang minuto ay walang tumama, gumapang ako at sumilip. Nakita ko nanaman ang lalaking laging nagbabantay sa akin. Sinasakal niya ang espirito. Mabilis akong tumayo para lapitan siya ngunit bigla silang naglaho kaya natigil ako sa gitna. Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang kanyang wangis. Napaiwas ako dahil kusang nagliparan ang mga silya pabalik sa kanilang pwesto at bumalik sa dati ang lahat. Binaling ko ang tingin sa pinto nang bumukas. Pumasok ang babae, nakangiti siya habang papalapit sa akin. "Hello, Ma'am, pumasa ba sa panlasa niyo ang kabuuan ng aking restaurant?" "Yes!" Mabilis kong sagot. "I like this place!" "Liligawan mo ang babaeng muntik ka nang paslangin?" Tanong ng aking kanang-kamay nang banggitin ko sa kanyang liligawan ko si Morana. I smirked while touching my nape. "Why? What's wrong? I like her," I said while touching the stubbles on my chin. Napailing siya habang nilalagyan ng whiskey ang aking old fashioned glass. "Weird," sambit niya at iniwan akong mag-isa sa loob ng aking opisina. Kinuha ko ang baso sa mesa at nakangising nilaghok ang whiskey. I'll do everything to make you mine. Hindi ako titigil hangga’t 'di ka nagiging akin. Kinuha ko ang folder sa aking drawer at pinagmasdan ang litrato ng mga kababaihang susunod kong magiging biktima. Sa huling pahina ang litrato ng babaeng pumatay sa aking ama. Katawan lang niya ang makikita sa litrato sapagkat hindi nakita sa CCTV ang kanyang mukha. "Malalaman ko rin kung sino ka. Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpaslang sa aking Ama." I tapped the picture twice and pulled out Morana's picture in my pocket. Kinuha ko ang isang blangkong papel at idinikit ang kanyang larawan. "You'll be the last victim." I said and laughed so hard. "Hindi mo pa rin inaamin sa kanya ang totoo? Huwag mong hintayin na ako mismo ang magsabi sa kanya." Banta niya sa akin habang tinititigan ako na may halong pagbabanta. Hindi ko siya pinansin bagkus ay itinuon ko ang aking atensyon sa aking pakpak. I sighed softly. My wings are torn and my horns color is changing. I'm losing my power because of what I did. Every single time that I save her it will cost a year of my life span. "Love is killing you, and you're not doing anything to escape death?" She asked me sternly, almost rolling her eyes. "Hindi ko gugustuhing mawala ka sa akin, ikaw na lang ang natitirang pamilya ko." Huling saad niya bago ako iwanan. Muli akong napahinga ng malalim. Love... Freaking curse! I throw the chair out of the window because of frustrations. I will always keep her safe even it costs my life. Biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at hindi ko akalaing makikita ko ang nilalang na nagbabanta sa buhay ni Morana. “Ano ang pakay mo kaya ka narito sa aking teritoryo?” tanong ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kanya. He remained calm but I can see the fear in his eyes, “He’s back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD