Chapter 22

1552 Words
I spent three days trying to catch the culprit, but he's not showing up. Maybe he decided to hide, for good?And in three days, there's a mysterious guy, who's wearing a hoodie who keeps on following me wherever I go. I don’t know who he is but his presence felt familiar. It's creeping me out! Nagpasya akong umalis sa kagubatan. Bumalik ako sa pag-aari kong Bugatti Chiron. Binuksan ko ang pinto ng kotse, kinabit ang seatbelt saka pinaandar ang kotse bago magmaneho paalis. Hindi na muna ako magmamanman, batid kong alam ng salarin ang aking pakay sa kanya. Habang nagmamaneho ay pumasok sa isipan ko ang wangis ni Cessair. Kaya dumeretso ako sa kanyang tahanan. Pinarada ko ang kotse sa gilid ng kalsada nang makarating sa kanilang tahanan saka lumabas. Naglakad ako papunta sa harap ng malaking gate. Mabuti na lamang at nasa labas si Luville, siya ang nagbukas ng gate. "Ma'am! Ano ho ang ginagawa niyo rito? Bibisitahin niyo ba si Boss?" Maingay niyang tanong habang niluluwagan tali nang suot na apron. I stopped myself from walking and stared at her. She's now fixing her messy hair while smiling at me. "Where's pighati?" I unconsciously asked her as I stared blankly on her face. "Po?" Gulat niyang tanong. Nahimasmasan naman ako. I awkwardly gave her a smile. "Si Cessair," paglilinaw ko. Mukhang naintindihan naman niya kaya mas lumapad ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi. "Sa loob, Ma'am. May binabasang dokumento para sa meeting nila ni Mr. Sedeja." Kwento niya habang nangunguna sa paglalakad, tahimik akong nakasunod sa likuran niya at pinagmamasdan ang buong paligid. Wala namang nagbago sa kanilang tahanan simula nang bigyan ako ng sumpa. Napa-isip naman ako, parang pamilyar sa akin ang Sedeja, saan ko nga ba 'yon narinig? Tumigil ako sa paglalakad nang makapasok na kami sa bahay. Agad kong napansin si Cessair, nakaupo siya sa sahig at may suot na reading glasses. Binabasa niya ang isang piraso ng papel, nagkalat din sa tabi niya ang mga papeles. Mukhang hindi niya napansin ang aking presensya. "Ma'am, kayo nang bahalang lumapit kay Boss. Maghahanda ako ng inumin niyo." Sinundan ko nang tingin ang nagmamadaling si Luville, napansin ko pang sumulyap siya kay Cessair nang palihim. I removed my moccasin shoes, put it in the shoe rack and silently walked towards him. I picked up some papers and organized it on the center table. Mukhang nagulat naman siya sa bigla kong pagsulpot. Hindi makapaniwalang nakatitig siya sa mukha ko. Tipid akong ngumiti at lumuhod sa sahig. Nakasuot kasi ako nang asul na peplum dress. I remained silent and let him look at me, I can see the amusement in his eyes. "What a surprise? Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka?" Kaswal niyang tanong. Walang iritasyon sa kanyang boses, bagkus ay kalmado ang kanyang pagkakasabi. Just like the old times. I missed this kind of scenery, where the both of us are facing each other and just talk about things that we want in life, our dreams and goals. "Hindi ka galit?" Tanong ko sa kanya makalipas ng ilang minuto. Noon kasi ay nagagalit siya sa tuwing nakikita niya ako. Napansin kong lumalim ang gatla ng kanyang noo. Kalaunan ay natawa siya. "Bakit naman ako magagalit?" Ngumiti lang ako at mas piniling manahimik. Napatitig siya sa suot ko nang ilang segundo. Akala ko'y may sasabihin siya ngunit tumayo lang siya saka naglakad paalis. I blew a soft breathe. Mukhang ayaw niyang narito ako pero nahihiya lang siyang sabihin. I sat on the couch and glanced at the document he left on the table. I’m can’t help but to get nosy, I read the first sentence on the document. "So it's about business." I whispered in the back of my head. "Here," napaupo ako nang maayos. Binaling ko ang tingin kay Cessair, may hawak siyang damit na nakapaloob sa plastic. Nilahad niya ang hawak na agad kong tinanggap. "Magpalit ka muna. Mukhang hindi ka komportable sa 'yong suot." He took a quick glance on my dress. My cheeks heated, it's the first time he looked at me with full of admiration. "A-ah..." I stuttered. Just wow! I cleared my throat before smiling. "Salamat!" Nagmamadali akong naglakad papunta sa banyong malapit sa dirty kitchen. Pero nasa kalagitnaan na 'ko nang tawagin niya ang aking pangalan. "Morana," my heart skipped a beat. I remained standing, trying my best not to looked back. Ayoko na tinatawag akong Morana pero sa tuwing siya ang sasambit ng aking pangalan ay may nararamdaman akong kakaiba. "You can use the bathroom in my room," he stated. Mabilis akong napalingon sa kanya, hindi makapaniwalang tinitigan ko ang mga mata niya. He stifled a smile. "Talaga? Pwede akong... Pumasok sa kwarto mo?" Paninigurado ko. Baka kasi nagkakamali lang ako nang dinig. "Go, before I changed my mind." He said with a playful smirk. Mabilis akong tumakbo pataas sa silid ni Cessair. Pabagsak kong naisarado ang pinto dahil sa pagmamadali. Hindi na ako nag-abalang pumasok sa banyo, hinubad ko ang suot kong bestida saka nagbihis. Inalis ko ang plastic na nakabalot sa damit. Ito ang binili kong damit para sa kanya noong kaarawan niya nang magtapos kamo sa kolehiyo. I stood in front of the full length mirror, I changed my clothes and stared at my reflection. This is the first time that I appreciated my appearance. Perfection! It’s really perfect because I’m wearing one of his possession. Tinupi ko ang suot kong dress saka nilagay sa loob ng plastic. Lumabas ako sa silid ni Cessair ngunit hindi ko akalaing nasa labas pala siya. Nakasandal siya sa railings ng hagdan at mukhang hinihintay akong lumabas sa kanyang silid. "Comfortable?" He asked me softly, I nodded with a grin on my lips. He walked towards me and snaked his arms on my waist. I was taken aback. Nag-iba ang pakikitungo ni Cessair sa'kin. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin, isang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa labi ko. Nararamdaman ko ang pagtama ng kanyang hininga sa aking pisngi at isang maling galaw, tiyak kong magtatama ang aming labi. "C-cessair," kinakabahang sambit ko. Mas inilapit niya pa ang kanyang mukha kaya ako'y napapikit. But I felt his lips on my forehead, he's kissing me gently. "I missed you,” he whispered softly and kissed me again. Kakatapos lang naming mag-usap tungkol sa mga plano para sa business partnership namin ni Mr. Trion at kasalukuyang nakatayo si Mr. Trion sa tapat ng salamin na bintana at nakaharap sa mga nagtataasang building na nasa kanyang harapan. "Girlfriend mo ba si Morana, hijo?" Naibaba ko ang hawak kong ballpen at natatawang umiling. "I wish, but she's just a friend." I answered him honestly. "But you like her," he stated. "Bakit hindi mo siya ligawan?" Tanong niyang muli habang pinapasok sa kanyang bulsa ang mga kamay niya. Nagkibit-balikat ako. Alam kong may gusto ako kay Morana ngunit parang may pumipigil sa akin na ligawan siya. Pakiramdam ko'y may nag-ko-kontrol ng aking mga desisyon. Parang may mali at hindi ko 'yon maipaliwanag. "Bagay kayong dalawa, Hijo. You're handsome and she's beautiful, you'll be a perfect match. So what's holding you back?" Napatulala ako sa kawalan. Ano nga ba ang pumipigil sa akin? He tapped my back and placed an empty old fashioned glass on the table. "Think about it, Hijo. Mas makabubuti kung may pamilya kang uuwian sa tuwing matatapos ang oras ng trabaho mo. It's fulfilling," he sighed. "I suddenly missed my wife,” he said and I saw a lovingly expression on his face. Napangiti rin ako habang nakatingin sa kanyang mukha. Nagpaalam na siya sa'kin makalipas ng ilang sandali. Inutusan ko ang aking sekretaryang ihatid si Mr. Trion hanggang sa parking lot. Nang makaalis siya'y napa-isip ako. Ano nga kaya kung ligawan ko si Morana? Ngunit muntikan niya na akong mapaslang? Hindi kaya ako mapahamak? Muling bumalik sa isipan ko ang gabing 'yon, nalaman kong siya ang babaeng sumugod sa akin dahil aksidenteng nakasalubong ko ang kanyang kotse papunta sa pribadong lugar na aking pag-aari. Palihim ko siyang sinundan nang nakaraang gabi at nalaman kong siya ang nagmamasid sa akin. Inalis ko ang pangambang bumabagabag sa aking isipan. Hindi niya alam na ako ang nasa likod ng patayang nagaganap. She doesn't know that I'm the Phantom killer. I think keeping her is better, so it will be easy to manipulate her. I smiled after leaving his place, I already plotted everything I just need to find the right timing to do my plans. Everyone will fall into the trap and I’ll win this game against my kind. “You seem to be enjoying yourself, do you think you’ll win against him?” he asked me sternly. Bigla akong kinabahan dahil sa kanyang presensya. Hindi ko akalaing buhay pa pala siya. “De—” “Don’t you dare mention my name. I can’t see your knight. Where is he?” My legs begun to tremble as he step closer to me. He’s known to be the king of the Underworld, he decides what will happen to us, and he’s more powerful than any curse we bestow. “Don’t meddle with my business, just focus on finding your wife and your son.” He lifted his chin and stared at me but he smirked evilly before leaving without saying a word.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD