Isang babae ang palihim na nagngingitngit sa isang tabi habang pinagmasdan ang kaibigan niyang bumibili ng mga gamit sa loob ng isang store sa loob ng mall.
Napupuno nang galit ang kanyang dibdib at utak. Ang paninibughong nararamdaman ay mas lalong tumindi habang patulot na dumarami ang binibili ng kanyang kaibigan.
Walang kamalay-malay ang kaibigan niyang siya'y nilalamon ng inggit.
Upang mawala ang nararamdaman, nagpasya siyang paslangin ang kaibigan. Dadalhin niya ito sa kanyang penthouse at lalasunin. Palalabasin niyang aksidente ang mangyayari.
Napangisi siya saka niyakap ang braso ng kaibigan. Tinulungan niya pumili ang kaibigang babae na mamili ng mamahaling damit, sapatos at mga palamuti. Siya'y nagbubunyi sa kanyang isipan.
Pinag-iisipan niya nang maigi ang kanyang plano. Nangangati na ang kanyang kamay na paslangin ang kasama upang kunin ang lahat ng pag-aari nito.
Her friend will die tonight…and she will satisfy her rapaciousness and jealousy.
Naimulat ko ang aking mga mata sa nakita kong pangitain. Mas lalo yatang lumakas ang taglay kong kakayahan. Mabilis akong bumangon at tumalon paalis sa aking kama saka humangos sa loob ng banyo upang maghilamos. Tumakbo ako palapit sa closet at hinablot ang puting sheath dress, nagsuot na lang ako ng flip-flops. Alam kong walang sense itong suot ko ngunit ako'y nagmamadali.
May buhay akong ililigtas at hindi importante ang itsura ko.
Ginamit ko ang aking Bugati Veyron at mabilis na pinaharurot patungo sa mall kung saan ko nakita ang biktima sa aking pangitain.
Na-violate ko pa ang traffic rules sa sobrang pagmamadali kaya hinabol ako ng pulis.
Just how lucky I am! I sarcastically laugh before stepping on the gas pedal. C'mon, skunks! Catch me.
I reached the speed of 250 mph (miles per hour). Nag-oovertake ako sa mga sasakyan nasa aking harap. Tiningnan ko ang side mirror ng kotse kung nakasunod pa ba ang mga pulis pero wala na sila. Mukhang hindi nila kaya ang bilis ng aking pagpapatakbo.
"Phew! That was close!" I exclaimed and exhaled sharply. Binabagalan ko ang pagmamaneho at inilabas ang aking kamay sa bintana ng kotse upang damhin ang hangin na tumatama sa aking balat.
Nagmaneho pa ako ng ilang sandali hanggang sa makita ko ang mall kung saan ko nakita ang dalawa. Bumaba ako kotse at tinakbo ang pagitan ng parking lot at entrance ng mall.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang aking pakay. Pumasok ako sa isang sikat na Boutique, ginalugad ko ang bawat sulok ng store para mahanap sila. Mukhang hindi ko sila naabutan.
I bit my lower lip and ran outside the boutique. I scanned the whole area and gladly, I found the victim sitting on the bench. Seems like she's waiting for someone.
Nilapitan ko siya upang maupo sa kanyang tabi. Habang papalapit ako sa pwesto niya’y napansin kong nakatitig siya sa akin, hanggang sa tumabi ako sa kanya.
"Miss?" Kahit ako ay nagulat dahil sa itinawag niya. Empleyado ko pala siya. Ngumiti ako sa kanya at kunwa'y binaling ang tingin sa pinamili niya.
"Mukhang marami ang iyong biniling gamit," I stated while scanning the paper bags on the floor. Binalik ko ang tingin sa kanyang mukha. Nakangiti siya ng mahinhin, ni hindi niya manlang alintana ang panganib na naghihintay sa kanya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mas pinili kong magmatyag sa buong paligid.
Kapwa kaming hindi nagsasalita. Wala naman kasi akong sasabihin at batid kong naaasiwa siya. Dumating ang kanyang kaibigan makalipad ng ilang minuto. Sinuri ko ang kabuuan niya at kitang-kita ko ang isang maitim na aurang pumapalibot sa kanya.
Kinokontrol siya nang nararamdamang inggit. Palihim kong tiningnan si Fe— ang aking empleyado. Masaya siyang nakikipag-usap sa kanyang kaibigan. She’s so innocent and she has a pure heart. Kaya batid kong lapitin siya ng mga masasamang elemento.
"We'll go ahead, Miss. Have a nice day." Magalang niyang pagpapaalam bago sila umalis. Tinapunan lang ako ng kanyang kaibigan ng isang makahulugang sulyap.
Mukhang may ideya na siya kung ano ang magagawa ko. She possessively wrapped her arms through Fe's arms and dragged her away from me. The evil spirit possessing her body must be aware of who I am.
I waited for a full minute before following them. They are both smiling and laughing over something.
Nakarating sila sa parking lot. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang poste at hinintay na paandarin nila ang kanilang sasakyan.
Tumakbo ako pabalik sa loob ng aking Bugati Veyron, binuhay ko ang makita at nagmaneho saka sila sinundan hanggang sa makarating sila sa penthouse.
I snapped my fingers and vanished into air. Lumitaw ako sa loob ng penthouse ni Fe, wala pa silang dalawa kaya makakapagtago ako. Nagtago ako sa likod ng couch saka naghintay. Inobserbahan ko ang buong sulok ng kanyang tinutuluyan.
Bumukas ang pinto, sinundan ng mahihinang yapak patungo sa kusina at narinig kong ang tunog dala nilang gamit.
"Ako ang magluluto, Fe. Ako na rin ang magdadala ng mga grocery sa kusina. Mas mabuti pang dalhin mo ang iyong gamit sa loob ng kwarto mo." Sabi niya kay Fe.
"Mabuti pa nga, sa kwarto lang ako." Paalam ni Fe. Nakarinig muli ako ng mga yapak. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa likod ng couch hanggang sa maamoy ko ang aroma ng niluluto ng kanyang kaibigan.
"Dadalhin ko na riyan ang 'yong pagkain!" Sigaw niya. Tumayo ako saka palihim siyang sinundan. Hinayaan niyang nakabukas ang pinto ng silid ni Fe kaya malaya ko silang napagmamasdan.
Nagbabasa si Fe ng libro habang ang kaibigan niya'y nilalapag ang tray sa center table.
"Ang bango naman, Aya." Komento ni Fe habang inaalis ang kumot sa paanan niya. Lumapit siya sa center table saka nilapit ang mukha sa niluto, nakapikit siya habang inaamoy ang pagkaing nakahain.
"Bango talaga," masaya niyang sambit. Umupo siya sa loveseat saka kinuha ang kutsara. Hinalo niya muna ang soup bago tumikim.
Bago pa man lumapat ang kutsara sa labi niya ay ginamit ko ang kakayahan ko. Umalis ako sa aking katawan saka sumanib sa katawan ni Fe.
Nangisay ang kanyang katawan nang ilang saglit. Lupaypay ng kanyang ulo habang nakahilig sa upuan.
"Fe?" Tanong ni Aya habang tinatapik ang mukha ni Fe. I controlled her body. I used her hand to slapped Aya, her friend.
"Sh*t! Bakit mo 'ko sinampal!?" Galit niyang sigaw dala siguro nang gulat. Masama niyang tiningnan si Fe kaya sinampal ko nanaman siya. Hindi ako nagsalita dahil malalaman niyang sinaniban ang kanyang kaibigan. I can do a soul switching but I can’t copy their voice.
Mukhang nainis siya kaya niya ako sinugod. Bago pa siya makalapit ay tinabig ko ang mga nakahandang pagkain. Lahat ng 'yon ay natapon sa sahig, nabasag pa ang ilang kitchenware.
"Ano ba ang nangyayari sayo? Bakit mo tinapon? Sayang ang pagkain!" Sinubukan niya pang kunin ang natapong soup sa sahig, ngunit hindi na rin iyon mapakikinabangan sapagkat madumi na.
"Umalis ka sa katawan ng nilalang na 'yan!" Sigaw ko sa loob ng katawan ni Fe. Nagsalita siya kagaya ng aking sinabi. Gulat akong tinitigan ni Aya.
"Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.
"Umalis ka sa katawan niya, ako ang harapin mo."
Ngumisi siya saka tinulak ang katawan ni Fe. Humalakhak siya hanggang sa magbago ang kanyang anyo.
"Lisanin mo ang katawan ni Aya, Levi!" Malakas kong utos. Hinampas niya ang kanyang kamay sa ere, sinubukan niya akong saktan ngunit naiilagan ko ang lahat.
"Morana!" Galit niyang sigaw. Ang boses niya ay mukhang galing sa ilalim ng lupa. Pulang-pula ang kulay ng mga mata niya.
"Lisanin mo!" Ngumisi siya, nagulat ako nang sumulpot siya sa aking harapan. Sinakal niya ako hanggang sa mandilim ang aking paningin.
"Bitiwan mo siya!" Napaupo ako sa sahig habang hinahaplos ang leeg ni Fe. Hihingi ako nang pasensya sa babaeng ito kapag nagkaroon ng pasa ang kanyang katawan. Dapat pala ay hindi ko ginamit ang katawan niya, mukhang magkakaroon pa siya ng sugat.
"Hindi mo ako mauutusan."
Hindi ko sila pinansin. Tinukod ko ang aking kamay upang makatayo. Kumapit ako sa pinakamalapit na mesa para mabalanse ang aking katawan.
Naglaban ang dalawa at ngayon ko lang napansin ang isang kakaibang nilalang.
Nakasuot siya ng asul na trench coat at may hawak na dagger. Iniilagan niya ang bawat atake ni Levi.
Sino ang nilalang na ito? Bakit niya ako tinutulungan?
Hindi ko inaasahang masasaksak niya si Levi. Naglaho ito na parang bula. Sinalo ng lalaki ang katawan ni Aya. Binuhat niya ang babae saka hiniga sa kama ni Fe.
Humiga ako sa tabi ni Aya saka nilisan ang katawan ni Fe. Bumalik ako sa aking katawan.
Mabilis akong pumasok sa loob ng silid ni Fe ngunit hindi ko naabutan ang misteryosong nilalang na siyang tumulong sa akin.
Tumitig ako sa kawalan habang iniisip ang kanyang wangis ngunit hindi ko na matandaan.
Sino ang nilalang na 'yon?
Naramdaman kong nasa panganib ang buhay ni Morana kaya mabilis kong ginamit ang kakayahan kong maglaho upang makapunta sa lugar kung saan naroon siya.
Naabutan ko siyang sinasakal ng isang babaeng kinokontrol ng masamang espíritu. Halos malagutan na siya ng hininga ngunit sinusubukan niya pa ring lumaban.
“Bitiwan mo siya!” malakas kong sigaw gamit ang tunay kong boses. Binaling niya ang tingin sa akin at gamit ang nanlilisik niyang mata'y sinubukan niya akong kontrolin. Mukhang hindi ako nakikilala ng isang 'to.
“Hindi mo ako mauutusan.” Mahinang niyang sabi at sumugod sa akin. Tinaas ko ang kamay kong may hawak na dagger at sinubukang iwasan ang mga atake niya. Humanap ako ng butas sa kanyang galaw at ng makahanap ng pagkakataon ay sinaksak ko siya.
Mabilis kong sinalo ang biktima at binuhat upang ihiga sa kama. Humiga rin si Morana—na nasa loob ng katawan ng biktima—at muli silang nagpalit ng kaluluwa.
I used my invisibility power to conceal myself. Bumalik si Morana sa loob at napansin kong hinahanap niya ako. She was staring at the wall but she didn’t know that she’s staring exactly at me.
She’s in a deep thought. I silently read her mind, she was thinking who I am. I smirked and scan her whole body, good thing she has no wound or scratch.
I am smiling while looking at her face. She has a beautiful pair of eyes and she totally looked like a goddess. No wonder I fell in love with her.