Chapter 20 - Revealed

1569 Words
Siguro'y sapat na ang isang buwan kong pagliban sa aking trabaho. Bumalik ako sa opisina sapagkat marami ang naiwan kong trabaho. Natambakan na ako, ngunit wala naman akong dapat ipag-alala. Sobrang mapagkaktiwalaan si Ryan, halos lahat ng trabaho ko'y ginawa niya— maliban sa mga dapat kong pirmahan. Sphynx doesn’t know that I’m sneaking out of our house for this past few days. Minamatyagan ko kasi ang lalaking pumaslang kay Abella, sa tingin ko’y titigil muna ako dahil baka hinahanap niya ako. Tiyak akong malala ang lagay niya dahil sa mga atakeng ginawa ko. I suddenly dropped my pen and massaged my temple. The searing pain inside my brain is making me lose myself. The vision is playing in my head, repeatedly, again and again. Bloods splattered on the floor... A guy holding a knife... And a woman who's lifeless in the middle of the forest. It's the same man that I've seen, the one who killed Abella. Walang awa niyang pinagsasaksak ang kanyang biktima hanggang sa tuluyan itong mawalan ng buhay, ang mata ng babae ay nakatitig sa akin. Naimulat ko ang aking mata nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking opisina. Pumasok si Ryan dala ang isang folder, I think it is my schedule for the whole week or either month. Magalang na ngumiti siya nang mapansing tinitingnan ko siya. "Good morning, Miss. I am just going to remind you that later at three in the afternoon, you'll have a meeting with Mr. Sedeja." He smiled at me and showed the schedule. My assumptions are right, it’s my schedule. I frowned, I didn't remember having an appointment with him. "Last week po siya nagtanong kung available ka. Since wala ka naman pong trabaho, I agreed and gave him a schedule." Nakangiwing sagot niya nang mapansin ang paglalim ng gatla sa noo ko. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil alam kong ginagawa niya lang ang kanyang trabaho. "Efficient," komento ko. Sumenyas akong iwan niya muna akong mapag-isa. Lumabas siya sa aking silid bitbit pa rin ang folder. I leaned on the table, picked up the pen and twiddled it using my fingers. Pumasok sa isipan ko ang lalaking 'yon, ang lalaking pumaslang sa walang kalaban-laban na biktima. Paano ko ibibigay ang hustisya sa mga biktima kung ako mismo'y walang kahit na anong alam sa pagkakakilanlan ng salarin. Should I do a background check on him? But where do I start? Ngayon ko lang naisip na kabaliwan ang ginawa kong pagsugod sa lugar na iyon ng hindi nag-iisip ng plano. But no one can stop me from avenging those people. Lahat ay gagawin ko, mahuli ko lang siya. Dead or alive. I’ll make sure he will rot in those fiery pits of hell. "I can sense the evilness around you." Napaayos ako nang upo dahil sa narinig kong tinig. Nagtagpo ang mata namin ni Dolion, nakatayo siya sa aking gilid at pinagmamasdan lang ako. Hindi ko sana siya makikilala dahil nag-iba ang kanyang anyo, ngunit nang makita ko ang nga mata niya'y agad ko siyang nakilala. Hindi na siya nakakubli sa katawan ng isang bata. He disguised himself as a middle-aged man, he’s also wearing a formal attire. Do devils has a weird taste in fashion? I asked myself after seeing that he’s wearing a flip flops. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi mapigilang tanong ko. Ngumisi siya ng mala-demonyo habang hinahaplos ang kanyang bigote. "Napag-isipan mo na ba ang aking alok sa iyo?" Tumalikod siya at lumapit sa isang halaman. Pinaglaruan niya ang isang dahon habang naghihintay sa aking tugon. Huwag lang siyang magkakamaling sirain ang mga tanim ni Ryan dahil baka siya ang mailagay ko sa paso at gawing palamuti sa aking opisina. "Wala akong balak na paslangin si Cozbi, kaya hindi ko tinatanggap ang alok mo." May paninindigan kong sagot. Gulat siyang lumingon, nakakunot pa ang kanyang noo at nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Akala ko ba'y nais mong kumawala sa sumpa? Ngunit tila nagbago ang iyong pasya? Sa anong kadahilanan?" Pinasok niya sa kanyang bulsa ang magkabila niyang kamay. Nagsimula siyang maglakad sa aking harap. "I…just don't want to... Kill her. Magagamit ko pa siya," iniwas ko ang tingin sa kanya. I lied, kahit noong hindi ako binibigyan nang malasakit ni Cozbi ay ayaw ko pa rin siyang mawala sa akin. Naging parte na siya ng aking buhay. Importante sa akin si Cozbi. For me she was a…a family. She give me warmth, shelter, food and everything that I need and dream of since I’m a little child. "Hesitations..." Disappointed niyang sambit habang umiiling. Iniwas ko ang tingin sa kanya, papanindigan ko ang aking desisyon. "I can't believe humans are week. You're letting your emotions control you, and that's the reason why you're miserable." Natigilan ako sa kanyang sinabi. I’m not weak, I’m a strong woman. Tinitigan ko siya saka ngumiti. "Hindi ba't mahina ka rin?" I asked Dolion nonchalantly. Siya naman ngayon ang natulala sa aking harap. I smirked before continuing to express my thoughts. "You let the darkness's control you, you're being dependent on it. Because you want something, you want to be someone. You want to prove yourself that you can be anything that you wanted. Ngayon sino ang mas mahina sa ating dalawa? Sa tingin ko'y ikaw." Nakangisi kong saad habang taas-noong sinalubong ang matalim niyang titig. "You don't know me, Morana." Nagngingitngit niyang sabi niya habang nakakuyom ang mga palad. I hit the most sensitive part, do I? "No, you're wrong. I know you very well. Every evil has the same experiences and goals in life. To overpower the mankind and use them to achieve something." "Your assumptions are wrong. Try to think about it..." He said and vanished in my sight. "What an evil!" Bulalas ko at bumalik sa pag-iisip. Nevermind the evils around me, I'm going to seek for justice first. "HINDI NIYO talaga namukhaan ang babaeng sumugod sa inyo?" Muling tanong niya habang pinapalitan ang dressing ng sugat ko. Hindi pa rin naghihilom ang aking sugat dahil may lason pala ang bala na siyang tumama sa akin, kakaiba pa ang uri ng bala na ginamit ng babae. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya sa akin at nahulog sa malalim na pag-iisip. Pamilyar ang galaw ng babae, parang nakita ko na siya. "Kailangan niyo sigurong mag-lie low muna sa inyong ginagawa. Mahirap na't baka tuluyan kang mahuli o kaya nama'y matigok dahil sa babaeng iyon." Pangaral niya. Hindi ako sumagot dahil tumatakbo pa rin sa isipan ko ang nangyari. Kung paano siya humawak ng baril, sa tindig niya, pati ang mga mata. Ngunit hindi ko naalala kung saan ko siya nakita. Iisang babae lang naman ang may ganoong mata, si Morana. Ngunit hindi naman niya siguro magagawa ang bagay na iyon. I don’t think she’ll be able to do that thing. No… I convinced myself. Morana won’t do such thing. She’s like an angel. Hindi ko napansing nakaalis na pala ang aking katiwala. I blew a deep breath. Sa susunod naming pagkikita, iyon na ang kanyang huling araw. Napangisi ako, para akong baliw habang naiisip kung paano siya mapapaslang. "Boss, maayos na ang inyong meeting. Kailangan niyo nang mag-ayos dahil sa alas-dos ay magkikita kayo ng inyong business partner. "Thanks for reminding me," I said. Tinanguan ko siya kaya sumilay ang masayang ngiti sa kanyang labi. "Walang anuman, Boss Devland." NAGSISIMULA NA ang tunay na laro. Tingnan natin kung hanggang saan kayo aabot. Wala pang nananalo sa larong minamanipula ko. I can control both humans and evil. I drank the brandy and closed my eyes as I savor the liquor. Perfection! "Ano na ang sunod mong plano?" He would always ask me that type of question. "Huwag kang magmadali at mas lalong h'wag kang magpadala sa iyong galit. Hindi ko nais na pumalpak ang planong matagal ko nang inaral dahil lang sa isang tulad mo." Sabi ko sa malamig na tinig. Nagkibit balikat lamang siya saka itinuloy ang pag-inom ng isang bote ng Rum. "Hindi ko gustong masira ang plano mo. Sa akin lang naman, bakit hindi na lang natin silang paslangin upang wala na tayong suliranin?" Suhestiyon niya dahilan para matawa ako. "Patience," tanging sambit ko. Umalis ako sa aking opisina at nagtungo sa opisina ng aking anak. Naabutan ko siyang gumuguhit ng isang mukha. "Bakit mo ginaguhit ang babaeng 'yan?" Naiinis kong tanong ngunit hind niya ako pinansin. Nakatutok ang buong niya sa kanyang ginagawa. He’s been doing it for the months, minsan lang din siya lumalabas at sa tuwing lalabas siya ay iisa lang ang kanyang pinupuntahan. Ang anak ko'y walang kaalam-alam sa tunay kong katauhan at wala akong balak na ipaalam sa kanya. Ayaw kong makasira siya ng aking plano. Palihim akong napangisi habang nakatitig sa ginuguhit niya. "You'll be dead soon." I whispered and left his room. NARINIG KO ang pagsarado ng aking pinto. Tinigil ko ang ginagawa ko at napatitig sa pinto ng aking silid, kinuyom ko ang aking palad at 'di ko namalayang nasira ko ang hawak kong lapis. I won’t let him succeed his plans. Hindi ko hahayaan na saktan mo siya para lang makuha ang nais mo. Huminga ako nang ilang beses at iminulat ang aking mga mata. Hindi sinasadyang napatingin ako sa salamin. Nag-iiba ang kulay ng aking mata hanggang sa naging kulay pula ito. “I’m an evil.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD