Nagsuot ako ng itim na high-waisted pants at pinaresan ng puting sleeveless cropped top. Nagsuot din ako ng leather jacket bago isuot ang aking itim na ankle boots. Itinali ko ang mahaba kong buhok saka isinukbit ang baril sa aking holster na nasa aking bewang.
I will avenge my friend, Abella. That’s the only thing that was running inside my mind since the day that she died.
But first... I'm going to find him. Hindi ko man alam kung saan magsisimula ngunit isinusumpa kong mahahanap ko siya sa kahit na anong paraan. He must pay for what he did, I’m going to kill him the same exact way that he killed Abella.
Binuksan ko ang salamin na bintana sa aking silid at tumalon pababa. Like the old times... I smirked and opened my white Toyota Highlander, I inserted the key, and stepped on the accelerator. Mabilis akong nagmaneho patungo sa lugar na nakita ko sa aking pangitain.
I did a lot of research and now... Here I am. Driving in the middle of the road, searching for the criminal. I'm looking for a perfect place to hide my car. I pulled over to the side of the dark road and turned off the engines of my car.
Madilim sa parteng 'to dahil sa nagtataasang mga puno sa buong paligid, malapit kasi sa kagubatan. Walang dumadaan na mga sasakyan sapagkat liblib itong lugar. Ni-lock ko ang kotse bago pabagsak na isinarado. Kinuha ko ang baril sa holster saka ikinasa. Maswerte ako dahil sanay ako sa ganitong gawain kaya madali na para sa'kin 'to. Sanay na ang aking mata sa dilim kaya hindi mahirap sa akin ang pasukin ang gubat kahit walang dalang kahit na anong ilaw na magbibigay liwanag sa aking daanan.
Tumigil ako nang marating ko ang gitna ng gubat, mula sa kinatatayuan ko'y napapansin ko ang isang bodegang nakatayo sa gitna ng gubat. Hindi masyadong maliwanag ang buong paligid, sakto lang para hindi maakit ang ibang nilalang na maliligaw sa lugar na ito.
"Tsk! Mautak kang nilalang." Naiinis na sambit ko sa'king utak habang nagpapatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang likurang bahagi ng bodega.
Marahang binuksan ko ang pinto sa likod at pumuslit sa loob. Walang kahit na sino ang narito. Wala rin akong naririnig na kaluskos at kakaibang tunog. Marahil wala rito ang aking pakay, sa tingin ko nama'y hindi siya ang tipo ng tao na mananatili rito tuwing gabi.
Hinalughog ko ang buong sulok ng bodega. Hanggang sa maramdaman kong may tumutok na patalim sa'king batok. I smirked as I felt the culprit’s presence in my back, I’m glad that he showed himself voluntarily. I don’t need to waste energy to search for him.
"Who are you?" Tanong niya sa akin, malamig ang kanyang tinig na nagbibigay takot sa kung sinumang makakarinig, maliban sa akin. I know exactly what kind of person he is, he’s no difference from the evil spirits that I’ve encountered.
Nakangising tinabig ko ang bagay sa aking batok at sinapak ang nilalang sa likuran ko ngunit nakailag siya. Gumanti siya nang suntok, nakaiwas ako kaya hindi natamaan ang aking mukha. Nagpalitan kami nang malalakas na suntok hanggang sa kapwa kami napagod. Subali't walang sino sa amin ang nais sumuko. Tahimik kaming naglaban hanggang sa kinuha niya ang isang nakasabit na samurai sa pader. Iwinasiwas niya ang sandata kaya nadaplisan ang aking braso. Napatingin ako sa aking braso at tinitigan ang dugong tumutulo mula sa sugat na aking natamo. Sa inis ay binaril ko ang kanyang paa nang dalawang beses.
I gritted my teeth and pointed the gun at him. Napaluhod siya habang namimilipit sa sakit. Sinamantala ko ang pagkakataong wala sa akin ang atensyon niya. Pasimple akong nag-backflip at inalis ang pulang mask na suot niya.
Gumulong siya sa madilim na parte ng bodega, dahilan upang hindi ko masilayan ang wangis niya. Mautak! Pinaputukan ko siya ng baril pero lahat ay naiwasan niya. Nanatili siyang nakaluhod sa madilim na lugar at nag-iisip kung ano ang gagawing atake sa akin.
Napaluhod ako nang tumama ang isang kutsilyo sa paa ko. Naibaling ko ang paningin ko sa kutsilyong tumama sa aking paa at narinig ko ang yabag ng pagtakbo niya palabas.
"B*llsh*t!" Singhal ko saka hinugot ang kutsilyong nakabaon sa paa ko. Hindi ko ininda ang sugat kong humahapdi at kumikirot. Mabilis ko siyang sinundan.
Hinabol ko siya sa gitna nang madilim na kagubatan. Mabilis siyang nakalayo, dahil sa aking sugat ay hindi ko siya maabutan.
Humarurot paalis ang kanyang kotse at hindi ko manlang nakita ang kanyang plate number. Dahil sa galit ay sinuntok ko ang punong pinakamalapit sa akin. "F*ck!" Galit kong sigaw at ginulo ang aking buhok. Kinalma ko ang aking sarili bago naglakad pabalik sa loob ng aking kotse.
Binagsak ko ang pinto at pinaharurot nang mabilis ang Toyota Highlander. Ngunit tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Hindi bale, I will catch him and make him pay. Kukunin ko ang kanyang buhay kapalit sa buhay na kinuha niya.
Nanlulumong umuwi ako sa bahay. Hindi ko pinansin ang mga tanong si Sphynx sapagkat puno ang utak ko sa pag-iisip nang paraan kung paano ko mahuhuli ang pumaslang sa kaibigan ko. Siya rin ang pumaslang sa mga kababaihang naibalita, nalaman kong siya rin ang pumaslang sa mga bangkay na hinukay ko sa kagubatan, noong nagkita kami ni Dolion.
Pumasok ako sa aking silid habang isa-isang hinuhubad ang aking saplot patungo sa banyo. Lumusong ako sa loob ng bathtub at nilublob ang buo kong katawan.
"Nagkalat nanaman ang 'yong damit. Gusto mong ipaghanda kita ng makakain?" Tanong ni Sphynx, hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin. Binaling ko ang tingin sa kanya at sumenyas sa kanyang bilisan niya. Pinulot muna niya ang damit kong nagkalat bago umalis.
Ilang saglit lamang ay bumalik siyang muli. May dala siyang tray na naglalaman ng isang bote ng red wine at red wine glass. May kasama ring isang mangkok ng preskong prutas ang tray. Mabuti't walang kasamang strawberry. Hindi ko talaga gusto ang lasa no’n, parang lason ang kanyang katas.
Sinalinan niya ang red wine glass saka inabot sa akin. Pagkatapos ay pinindot niya ang remote control para buksan ang nakakonektang speaker. Pumailanlang ang malamyos na tugtugin sa buong paligid.
"Rest," maikling bilin niya saka muling lumisan sa loob ng banyo. I gave her a sweet smile before closing my eyes and sipping the wine.
Malakas na hinampas ko ang manibela ng aking kotse dahil sa nararamdamang galit. I hissed and put a pressure on my wound using my hands to reduce the bleeding.
"Crap! Sino ba ang babaeng 'yon? Paano niya nalaman ang aking hideout?" Nagtatakang tanong ko sa likod ng aking isipan. Walang sinuman ang nakakaalam ng bodegang pagmamay-ari ko, sarado rin ang buong daan na magtuturo sa lugar na 'yon ngunit bakit may nakapasok?
Tinawagan ko ang aking kanang-kamay. Sinagot naman niya kaagad ang tawag makalipas ng ilang ring.
"Ready my office," makahulugang utos ko. He just said yes and ended the call. Muli akong nagmaneho papunta sa aking opisina.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang aking pinagkakatiwalaan. Nakatayo siya't hinihintay ang aking pagdating. Tinigil ko ang kotse sa kanyang harap. Hinawakan ko ang door handle nang mabuksan ko ang kotse.
Hinayaan kong nakabukas ang pinto. Dumeretso ako sa pagpasok sa opisina. Pasalampak na umupo ako sa couch. Inabot ko ang telang nasa center table at idinampi sa sugat ko.
"Ako na boss!" Inagaw niya sa akin ang tela. Nilinis niya ang aking sugat gamit ang tela at tubig. Ramdam na ramdam ko ang paghiwa niya sa sugat ko upang kunin ang balang bumaon. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pansamantalang mabawasan ang sakit.
Kalaunan ay nakuha niya ang bala. Nilinis niya ang dugong kumawala saka nilagyan ng bandage ang aking sugat.
"Ano ang nangyari?" Puno ng kuryosidad niyang tanong. There’s no need to keep it from him, he know me too well.
"Someone trespassed," maikling tugon ko. Pinikit ko ang aking mata upang maipahinga ang aking sarili.
"Aayusin ko."
Narinig kong sumara ang pinto ng aking opisina. Napangisi ako dahil sa katapatan niya. Kung sino ka man, tiyak kong katapusan mo na.
Get ready to welcome your death.
I am grinning while watching them from afar. Nagsisimula na silang magkagulo. Sila rin mismo ang papaslang sa isa't-isa.
Mukhang magiging masaya ang larong ito.
"When will you stop controlling them?" I raised my brow and stopped myself from grinning. I looked back at him, he's staring at me blankly. He's holding his wings like he always do.
"Controlling who." I asked innocently. Kunwa'y wala akong alam sa sinasabi niya.
"Stop playing with her. Wala kang makukuha sa kanya."
I hummed and smirked evilly. I can sense his fear, fear of losing the one he love. Pathetic! Love will only make you weak.
"Wala akong ginagawa sa kanya. Hindi ba't wala ka namang pakialam sa nilalang na 'yan. Ngunit bakit may nahihimigan akong takot sa 'yong boses?"
He became tensed but he's trying hard to hide it. I can easily manipulate everyone.
"Wala akong pakialam sa kanya. Mas mabuti pang ituon mo ang pansin mo sa ibang nilalang. Wala kang mapapala kay Morana, kaya tigilan mo na siya."
I nodded and looked directly in his eyes. "Then, I'm going to kill her. Like I always wanted to do." I threatened him before vanishing.
I watched him as he disappeared in my sight, I let out my anger. I started to punch the wall behind me.
“How dare him threaten me? He was nothing compared to me!” I shouted in anger and punched the wall hardly leaving a big hole. I shut my eyes for a moment to calm myself before taking my seat.
Hinaplos kong muli ang aking pakpak, napansin kong unti-unti na itong naglalagas at sa loob lamang ng kaunting panahon ay tuluyan nang hihina ang taglay kong kapangyarihan. There’s only one way to gain my power but it’s too dangerous, I won’t do it.
Hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay niya makuha ko lang pabalik ang aking kapangyarihan. I’d rather die protecting her than seeing her suffering because of me.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan silang lahat mula sa aking salamin. Hindi ko akalaing sa pagbalik ko'y hihina ang kanilang depensa. I found their weaknesses.
“Fools…you shouldn’t fall in love with a human. It will only bring chaos to our kind.” I said while scoffing.
Masyado silang nagpapalamon sa kanilang kagustuhan, hindi manlang nila iniisip ang kanilang kapakanan. I’m disappointed in him, I treated him as my own but he kept on choosing that girl.
“I only want a son but I guess it’s the curse that hinders us to get what we dream of.” Pinagmasdan ko ang mukha niya sa salamin at napangisi. Walang makakapigil sa akin na gawin ang aking plano.
I’m not a friend nor a foe. I’m just here for one goal. To kill Morana.