"Tama na! Tulong! Tulungan niyo ako!" Nagmamakaawang sigaw ng isang babaeng sinasakal ng lalaking nakasuot ng itim na jacket. Hindi masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil madilim sa buong paligid.
Nakahandusay sa isang sulok ang dalawang babae. Wala nang buhay ang mga ito. Nakaawang ang bibig at nangingitim ang leeg dahil sa pagkakasakal. Kita sa mga mata nila ang labis na paghihirap bago tuluyang mawalan ng buhay.
Ilang sandali ay natigil ang babae sa pagsigaw. Kitang-kita sa mukha niya ang sobrang takot at paghihirap na sinapit sa kamay ng walang pusong nilalang. Nakangising tumayo ang lalaki habang naglalakad patungo sa isang sink sa dulo ng bodega. Hinugasan niya ang kanyang kamay habang nakangisi, “hindi pa ito ang huli”. Iyan ang bagay na nakatatak sa kanyang isipan.
"Gising, Morana. Gumising ka," naramdaman kong may tumatapik sa aking braso kaya nagmulat ako ng mata. Tumambad sa akin ang nag-aalalang pagmumukha ni Sphynx.
Bumalikwas ako sa pagbangon at akmang aalis sa kama nang pigilan ako ni Sphynx. "Kung ano man 'yang binabalak mo ay tumigil ka." I stared at her but her words are not sinking in my mind, I’m not going to listen to her, somebody else out there needs help.
"Kailangan ko silang iligtas!" Galit kong sigaw. Ngunit hindi niya ako binitawan. Itinulak niya ako pahiga sa kama at kinontrol ang katawan ko para hindi ako makaalis. Walang emosyon ang kanyang mata ngunit alam kong naiinis siya dahil sa inaakto ko, hindi pa ako tuluyang magaling pero nais kong muling ilagay sa kapahamakan ang sarili ko ngunit kung hindi ako maglalakas loob ay walang magliligtas sa babaeng nakita ko sa aking pangitain.
"Magpahinga ka," mahinahong utos niya sa'kin. Umiling ako, dapat kong iligtas ang mga babaeng iyon. My decision is made, I don’t care if I got myself into a trouble but they really need me.
"Pwede ba!" Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Sphynx. Lumitaw ang kanyang pakpak at nagbabaga ang kanyang mga mata habang masamang nakatitig sa akin. Parang nais niyang sakmalin ang aking leeg dahil sa pagiging matigas ng ulo ko. Natigilan ako sa tangka kong pagtayo, aaminin kong nakaramdam ako ng takot dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa akin.
"Stop chasing death! Isipin mo naman ang taong nag-aalala sayo! For once! Makinig ka! Kapag sinabi kong magpahinga ka, gawin mo!" Hinahapong tumigil siya sa pagsasalita at basta na lamang naglaho sa'king harapan.
Umiling ako ng dalawang beses. Wala akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin. Kailangan kong iligtas ang mga taong iyon. Tumayo ako at ininda ang pagkirot ng aking mga sugat, marahan akong naglakad pero agad din akong natigilan dahil nag-iba ang ihip ng hangin.
Bago pa man ako tuluyang makaalis sa aking silid ay lumitaw si Cozbi. Magkasalubong ang mga kilay niya. Nakasuot siya ng pulang dress, may suot pa siyang asul na sunglasses. Kulay dilaw naman ang suot niyang ankle boots.
Walang sense of fashion. Gusto kong sabihin pero alam kong maiinis lang siya sa akin.
Binato niya sa akin ang hawak niyang mga papel. Pinulot ko ang isa at napag-alaman kong litrato pala 'yon. Mga litrato ng mga walang buhay na babae. Iba-iba ang kanilang sitwasyon ngunit batid kong iisa lang ang dahilan ng kanilang ikinamatay. Sila ang mga babaeng nakita ko sa aking pangitain.
"Huwag mo nang tangkain na lumabas sa bahay na ito. Wala ka nang maililigtas. Patay na ang mga nakita mong nilalang sa 'yong pangitain." Pagsisiwalat niya na siyang dahilan kaya kumabog nang malakas ang aking dibdib sa kaba. Ilang nilalang ang hindi ko nailigtas.
Napaatras ako at nanghihinang napaupo sa kama. Ang bigat sa dibdib, bakit nangyayari ito? Hindi ko matanggap na hindi ko nagawang iligtas ang kanilang buhay mula sa maiitim ang budhi.
"Don't think too much. You cannot stop anyone's death." Huling sabi niya bago ako iniwang nag-iisa. Hindi ko namalayang tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking mata. Nakakapanlumo ang pangyayari.
Bakit pa ako bibigyan ng kakayahang makita ang isang trahedya kung wala akong magagawa upang iligtas sila? This curse is killing me. Kung may paraan lang sana upang maibalik sa dati ang lahat, gagawin ko, maging matiwasay lang muli ang aking buhay.
Pinagmasdan ko ang hawak kong litrato hanggang sa natigilan ako sa aking nakita. Tuluyan na akong napaluha. Hindi ko akalaing pati siya'y magiging biktima.
"Abella," sambit ko sa kanyang pangalan. Tahimik akong humagulgol habang yakap ang litratong binigay ni Cozbi.
Ilang araw ang lumipas.
Nagbihis ako ng kasuotan. Isang kulay itim na long sleeve polo shirt ang suot ko. Pinaresan ko ng maikling denim shorts at nagsuot ng kulay puting sneakers. Nagsuot ako ng sunglasses at itim na sumbrero upang kahit papaano’y matakpan ang aking mukha.
Pupunta ako sa burol niya. Ilang araw na akong nag-iisip kung magtutungo ba ako roon, pero hindi pwedeng 'di ko siya maihatid sa kanyang huling hantungan.
Huminga ako ng ilang beses bago bumaba sa silid ko. Mabuti na lamang at pumayag si Sphynx na umalis ako sa bahay. Magaling na rin ang ilang sugat ko, sa tulong na rin ni Sphynx ay walang naiwang bakas.
Marahang naglakad ako pababa ng hagdan hanggang sa garaje ng bahay. Lumapit ako sa puting Chevrolet Silverado na aking pagmamay-ari. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Sinuot ko ang seatbelt, pagkatapos ay hinawakan ko ang steering wheel at ang gearstick. Pinaandar ko ang makina ng kotse at nagmaneho nang mabilis hanggang sa makarating ako sa nais kong puntahan.
Sa sementeryo.
Pinarada ko ang sasakyan sa ilalim ng punong santol. Bumaba ako sa kotse habang inaayos ang aking sunglasses, kinuha ko ang itim na scarf sa loob ng kotse bago isinarado.
Tinago ko ang aking mukha at marahang naglakad palapit sa mga nagkukumpulang tao.
Habang papalapit ay lumalakas ang t***k ng aking dibdib. Dahil sa sobrang kaba.
Tumigil ako sa isang tabi, 'di kalayuan sa mga tao. Nagkunwari akong nakatingin sa lapida at umuusal ng panalangin. Sandaling naghintay ako hanggang sa matapos ang pag-aalay ng dasal.
Nang lumisan silang lahat ay naglakad na ako palapit sa kanyang puntod. Lumuhod ako at hinaplos ang kanyang lapida.
"Abella," mahinang sambit ko. "Hindi ko inaasahang muli tayong magkikita, ngunit sa ganitong pagkakataon pa." Mapait akong napangiti at pinigilan ang sarili kong mapaluha.
"I know that you'll be in peace. Hahanapin ko ang taong may kagagawan nito. Pagbabayarin ko siya," puno ng hinanakit na sabi ko, nag-igting ang aking mga panga dahil sa galit habang nakakuyom ang aking mga palad.
Ilang minuto pa ang ginugol ko sa harap ng kanyang puntod bago tumayo at naglakad paalis, pero lumingon din ako sa puntod ni Abella.
"You will never be forgotten, My friend." I whispered in the air as I bid for goodbye.
"Bakit ka nandito? May binisita ka ba?" Napaayos ako ng tindig nang marinig ang boses ni Cessair. Nakatayo siya sa aking harapan at may hawak na isang bungkos ng puting rosas. Batid kong iaalay niya 'yan kay Abella.
"May pinuntahan lang," maikling tugon ko. Marahan siyang tumango, mukhang may iniisip. Napansin kong pinasadahan niya ako ng tingin.
"Mukhang maayos na ang kalagayan mo." Sabi niya matapos suriin ang aking kabuuan. Tanging ngiti ang aking naisagot. Nagpaalam na ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa kotse. Malungkot na tinanaw ko si Cessair. Hanggang sa ngayon ay si Abella pa rin ang nagmamay-ari ng kanyang puso.
I sighed deeply. I will never win. Makahulugang sambit ko sa likod ng aking isipan.
Abella, Cessair and I are closed friends. Naging magkaibigan kami dahil magkaklase kami noong high school. Kami ni Cessair ang laging magkasama sa kalokohan, samantalang si Abella ang laging sumasaway sa aming dalawa.
Siya ang nagtatama ng aming kamalian. Ginagabayan niya kaming dalawa ni Cessair. Nakikinig kami sa kanya dahil hindi namin nais na siya'y magtampo. Para sa amin si Abella ay isang mamahaling bagay, dapat siyang ingatan at mahalin. Sobra-sobra rin ang kabaitang taglay niya kaya nahulog ang loob ni Cessair sa kanya.
Subali't kahit kailan ay hindi umamin si Cessair. Hindi niya nais na masira ang pagsasama nilang dalawa, tanging ako lang ang nakakaalam ng lihim niyang pagtingin. Ngunit dumating ang araw na kinakailangan naming magkalayo. Nagtungo sa ibang lugar si Abella, pero nanatili ako sa tabi ni Cessair.
Pumasok kaming dalawa sa isang illegal na trabaho— ang pumatay kapalit ang malaking halaga. Dahil sa sobrang pangangailangan ay sinukmura ko ang pagpaslang hanggang sa tuluyan akong masanay. Ngunit tuwing gabi ay napapanaginipan ko ang huling sandali ng aking mga biktima.
They're haunting me.
Akala ko'y tuluyan niyang makakalimutan si Abella. Ngunit mali ako nang sapantaha. Hindi nawala ang kanyang pagmamahal.
At aaminin kong nasasaktan ako. Sa loob nang ilang taong pinagsamahan namin, ni hindi niya nagawang maibaling ang pagtingin sa akin. Noong una pa lang ay may nararamdaman na ako para kay Cessair.
Gaya nang ginawa niya, tinago ko rin ang aking pagtingin. Ayokong makatanggap ng pagtanggi galing sa lalaking iniibig ko. Kaya gano'n na lang ang pagnanais kong mapanatiling ligtas si Cessair—na kahit sarili kong buhay itataya ko. Dahil sa pagmamahal.
Pinagmasdan ko si Morana hanggang sa tuluyan siyang makaalis, alam kong si Abella ang kanyang binisita. I know for sure that she’ll miss her friend. I quickly diverted my gaze to Abella's grave so she won’t caught me staring at her.
I kneeled down on the grave and touch her gravestone, I offered a little prayer before glancing at Morana’s direction. She was inside her car but I noticed that she’s just staring at the steering wheel and not even moving an inch, she must be thinking something deeply. I sighed before standing, I walk through my car and left the cemetery.
Pagdating ko sa bahay ay napansin kong nanunuod si Luville ng pelikula sa malaking flat screen TV na nasa sala. Tawa pa siya nang tawa dahil sa mga banat ng komedyante, naiiling na nagpatuloy ako sa aking kwarto at 'di na siya inabala pa.
Nang makapasok sa loob ng aking silid ay sinarado ko ang pinto at nagtungo sa harap ng bedside table, umupo ako sa kama at kinuha ang isang litrato na nakatago sa ilalim ng aking unan. I smiled upon seeing her smile in the picture, “maybe someday I’ll be able to tell the truth.”