Mabilis na kumalat ang apoy sa buong paligid kaya mas lalong nagkagulo ang mga bisita. Ang iba ay nahihindik sa kanilang nasasaksihan. Hindi nila alam ang gagawin matakasan lang ang nakabantang panganib sa kanilang buhay, walang kahit na sino ang nag-aakalang magiging ganito ang kahihinatnan nang masayang pagdiriwang ng okasyong kanilang dinaluhan.
Habang nagkakagulo ang lahat ng bisita, tinatangka naman ni Cessair na lapitan si Morana ngunit lumalayo ito. Sa takot na baka magkatotoo ang kanyang pangitain. Hindi niya maaatim na mamatay ang matalik na kaibigan nang dahil sa kanya. Tinitiis niya ang nangangalit na apoy na siyang nakabalot sa katawan niya masiguro lang ang kaligtasan ng kanyang mga kaharap.
"Tulungan niyo siya!" Malakas na sigaw ni Devland. Ngunit walang nakinig, takot ang mga itong lapitan ang babaeng nilalamon nang nangangalit na apoy. Walang nagtangkang tulungan siya maliban kay Cessair at Devland.
Hanggang sa lumitaw ang isang kakaibang nilalang. Mas lalong natakot ang mga panauhin sa nakikita, isang babae na merong pakpak at sungay, merong kaliskis ang mga balat na siyang nagsisilbing proteksyon laban sa apoy. Nagbabaga ang mga mata nito habang naglalakad sa gitna ng nagbabagang apoy. Hindi nito alintana ang panganib na dulot nito.
Kapansin-pansin ang pag-usal niya nang kung anong salamangka, dahilan upang matupok ang apoy sa buong paligid. Natira na lang ang itim na usok at mga abong nililipad ng hangin. Binuhat niya ang nanghihinang si Morana. Nalapnos ang balat ng dalaga ngunit imbes na sakit at takot ang makikita sa mata niya ay pag-aalala. Binigyan niya nang makahulugang sulyap ang lalaking nakatayo sa isang tabi. Si Cessair, nakatulala lang ito habang pinagmasdan si Morana. Nag-aalinlangan kung lalapitan ba niya o hindi.
Biglang naglaho ang nilalang kasama si Morana. Namatay ang mga ilaw, humangin nang malakas sa paligid kasabay nang pagkawala nang alaala ng mga panauhin.
"Anong nangyari?"
"Bakit biglang namatay ang ilaw?"
"Anong ginagawa ko rito?"
Ilan lamang iyan sa tanong ng karamihan. Nakatulala pa rin si Cessair. Hanggang sa ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan niya ang nangyari, gayundin si Devland. Hindi niya inaasahan ang pagsasakripisyo ng babaeng kinahuhumalingan sa lalaking katabi niya. Napailing na lamang siya bago lisanin ang lugar. Tuluyan nang nasira ang kanyang gabi dahil sa insidente.
Habang sa isang tabi, siya'y nagmamatyag. Pinagmasdan ang lahat at nag-iisip ng paraan kung paano tuluyang mapapaslang ang babaeng hadlang sa kanyang plano. Ngayon ay batid niya na kung sino ang nilalang na maaaring tumulong kay Morana sa gitna ng kapahamakan, ang buong akala niya ay “ito” ang magliligtas ngunit nagkamali siya, mukhang hindi gano’n kalalim ang nararamdaman nito para sa dalaga.
Nagmamadaling dinala ko si Morana sa kanyang silid upang gamutin ang nalapnos niyang balat. Wala na siyang malay, kitang-kita ang paghihirap sa mukha niya. Humangin nang malakas sa loob ng silid at lumitaw si Cozbi na nanghihina.
Umupo siya sa tabi ni Morana habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga, kinuyom niya ang kanyang palad at bumilis ang paghinga niya.
She's enraged... and it's lethal.
Natatakot ako sa maaari niyang gawin dahil sa galit. Muli siyang naglaho kaya naiwan kami ni Morana.
Hinanda ko ang sarili ko sa pagbibigay lunas sa kanya. Itinaas ko ng bahagya ang aking mga kamay habang tinititigan siya.
Ibinuhos ko ang buong konsentrayon sa nakahimlay na Morana. Ilang sandali ay lumabas ang asul na usok mula sa aking palad. Ang usok ay umikot sa ere bago pumasok sa nakaawang niyang labi.
Mabisa ang lunas na ibinibigay ko ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang sitwasyon. Nanginig ang kanyang katawan, subali't panandalian lamang. Lumitaw ang isang gintong tali na nagpoprotekta sa kanya.
Napangiti ako nang malungkot. Lahat talaga ay gagawin niya para sa babaeng ito. Tinigilan ko ang aking ginagawa at umalis ako sandali upang kunin ang gamot na ginagamit ng mga tao.
First aid kit ang tawag nila. Kinuha ko 'yon sa ilalim ng sink, sa banyo ni Morana. Agad akong bumalik sa kanyang tabi. Pinatong ko ang first aid kit sa bedside table at muling bumalik sa banyo. Kinuha ko ang malaking palanggana, nilagyan ng tubig at dinala sa tabi niya. Ginulo ko na rin ang kanyang kabinet. Kumuha ako ng malilinis na telang maaari kong magamit.
Bumalik ako sa kanyang tabi. Hinugasan ko ang sugat niya ng malinis na tubig. Pagkatapos ay marahan kong idinampi ang malinis na tela upang matuyo ang balat niyang nalapnos.
I wrapped the clean bandage on her burned skin. I loosely wrapped it on her skin to avoid pressures. Then I raised her both arms and legs to prevent the swelling.
Matapos ko siyang gamutin ay nilinis ko ang mga ginamit ko. Maya't-maya ko siyang sinisilip para obserbahan ang kanyang kalagayan. Buti naman at maayos lang siya.
Alam kong kakayanin niya ang natamong insidente, ngunit hindi ko alam kung maaalis ba ito sa kanyang isipan. She suffered a lot that's the reason why she's chasing death.
But he won't let you die easily. He sacrifice his life to save you, so stop hurting him.
Ginawa ko ang mga trabahong naiwan ko habang nagbabantay kay Morana. Pansamantalang iniwan ko kay Ryan ang mga trabaho sa opisina—maliban sa gawain ni Morana.
Dalawang araw na ang lumilipas subali’t hindi pa rin bumabalik ang kanyang malay. Naghilom na ang iba niyang sugat, sa tulong na rin ng aking kakayahan. Hindi ko rin alam ang nangyari kay Cozbi.
Batid kong galit siya sa nangyari. Dahil siya ang inatasang bantayan si Morana, ako naman ang inatasang maging manggagamot.
Marahang tumayo ako nang maramdaman ang presensya ng kung sino sa baba. Ipinikit ko ang aking mata, isang lalaki ang nakikita ko sa harap ng pinto. May dala siyang basket na puno ng prutas, may hawak din siyang pumpon ng mga bulaklak. Mukhang binibisita niya si Morana.
Binaling ko ang tingin sa huli. Batid kong matutuwa siya sa oras na malaman niyang binisita siya ni Cessair. Nakakalungkot lang sapagkat wala pa rin siyang malay.
Bumaba ako sa unang palapag ng bahay upang pagbuksan ng pinto ang bisita. Mukhang nagulat siya nang makita ako. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago luwagan ang pagkakabukas ng pinto. Hinayaan ko siyang pumasok sa loob at matamang tinitigan. I observed him but I can’t sense any danger or threat coming from his aura, I can assure that he’s a good man.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay. Tumikhim ako para nakuha ang kanyang atensyon. Itinuro ko ang hagdan sa kanyang kaliwang bahagi. "This way," sambit ko. Nauna na akong maglakad upang igiya siya patungo sa silid ni Morana, nararamdaman ko naman ang pagsunod niya. Muli ko siyang pinagbuksan ng pinto at tinuro ko ang walang malay na si Morana, na nagpapahinga sa kanyang higaan.
"You can stay here for a while." Suhestiyon ko sa kanya. Tumango lang siya at tinalikuran na ako. Sinarado ko ang pinto ng silid ni Morana upang bigyan sila ng privacy.
Nasa harapan ko na si Morana. Kalunos-lunos ang kanyang kalagayan. Hindi ko akalaing ililigtas niya ako sa ikalawang pagkakataon. Nilapag ko ang mga dala ko sa bedside table bago hilain ang isang stool—na nakita ko sa bintana— palapit sa kama.
I crossed my arms and stared at her for a moment. Maganda pa rin naman si Morana kahit magulo ang kanyang buhok at namumutla. Hindi ko siya nais na hawakan dahil sa pangambang may mangyari nanamang hindi maganda. Pakiramdam ko’y kapahamakan lang ang naidudulot ko sa kanya, gusto ko siyang layuan pero hindi ko rin magawa. Komportable ako sa kanya, para na ring kapatid ang aking turing sa kanya.
Nakuntento na lamang ako sa pagmasid sa mukha niya. Sinuri ko na rin ang kanyang mga sugat makalipas ng ilang minuto, ako na rin ang naglagay ng gamot sa lapnos sa kanyang balat.
Ilang sandali ay napansin ko siyang nagmulat ng mata pero muli ring bumalik sa pagkakahimlay. Mukhang hindi pa siya nakakabawi ng lakas mula sa nangyari.
I sighed. Wake up, Morana. I whispered in the back of my mind. Just open your eyes and I’ll tell you the truth.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Aalis na lang siguro ako. Wala rin naman akong gagawin, hindi rin pwedeng makipag-titigan ako sa taong walang malay. Babalik na lang akong muli upang tingnan ang kalagayan niya.
Bago ako umalis ay hinawakan ko ang mga kamay niya. I smiled and draw a little circles in the back of her hand.
"Don't try to save me. I'd rather hurt myself than seeing you suffer." I whispered softly and kissed her hand before walking out of her room.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko muli ang babaeng kasama niya rito sa bahay, parang nakita ko na siya pero hindi klaro sa aking isipan.
“Anong ginagawa mo rito? Hindi ba’t sinabi ko sa 'yong magtago ka sapagkat hahanapin ka niya upang singilin sa iyong ginawa.” Seryosong sabi niya nang abutan ako sa kanyang opisina. I smirked evilly and handed him another glass of champagne.
“Nakatitiyak akong hindi niya ako hahanapin dahil nakatutok anf atensyon niya sa babaeng 'yon, tiyak akong ikaw ang hinahanap niya at hindi ako.” Mula sa seryosong mukha ay unti-unti siyang napangisi, ininom niya ant champagne at naglakad malapit sa mahiwaga niyang salamin.
“I think you’re mistaken, he’s not looking after for that girl. I tried to burn her alive but he didn’t show up to save her, I saw one of his knights instead.” I frowned upon hearing his words, his knights. If his knights showed up it means that he’s up to something.
Nagkatinginan kaming dalawa at batid kong iisa lang ang tumatakbo sa aming isipan.
“We must do something.” We said in unison before planning what to do to defeat him.