I am just staring at him, waiting for him to say something but he remained unfazed. His eyes are voided with emotions, I know he can feel my stares but still... He ignored me, he diverted his attention to the concoction that was placed on our table.
"Hon? You okey?" Bulong ni Devland sa'king tenga. Palihim na tinulak ko siya palayo. Nagsisimula na 'kong mainis sa kanya. He keeps on calling me "Hon". Ngunit imbes na lumayo ay inakbayan niya ako at nang magtagpo ang aming paningin ay kumindat siya sa akin.
"Pwede ba," nagpipigil na sabi ko dahil sa iritasyong nararamdaman ko. "Stop calling me Hon. Nakakainis ka na!" Gigil na saad ko. Gustong-gusto ko siyang sapakin lalo na't mas lumaki ang kanyang pagkaka-ngiti.
"Ok... Baby," he teased me and blew a kiss.
I gave him a bland smile before standing up. If I stay here any longer I might kill him because of annoyance.
Nagdadabog na pumasok ako sa loob ng Comfort Room upang ayusin ang sarili ko. My brows furrowed upon seeing my face in the mirror.
F*ck, mirror! I really hate it! Natutukso akong hampasin ang salamin para mabasag pero pinigilan ko ang sarili ko. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa toilet. Nagpahalumbaba akong nakatitig sa pinto habang nag-iisip nang paraan kung paano ko matatakasan si Devland. Hindi ko na kayang tiisin ang pagiging malambing niya na may halong kalandian.
Naasiwa ako! Hindi ako sanay! Ito ang unang pagkakataon na may taong nagpakita ng interes sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. It’s heartwarming that someone was treating me nicely but I’m having a second thoughts about his pure intentions.
"Baby?" Speaking of the devil. Ano kaya ang ginagawa niya sa Comfort Room ng mga babae? Nagtatakang tanong ko sa aking isipan.
I remained silent, I know he's going to leave if he didn't find me. But I'm wrong, he stayed, literally outside the cubicle where I'm hiding myself. Kung minamalas ka nga naman. Alam kong nakaharap siya sa pinto dahil nakikita ko ang dulo ng kanyang sapatos.
"I know you're in there, get out, baby." He commanded in a soft voice and knocked twice.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Pinindot ko ang flush button upang isipin niyang ginamit ko ang toilet. Marahang binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangisi niyang mukha. Agad na inakbayan niya ako at giniya palabas ng Comfort Room. Gusto kong lagyan ng distansya ang aming pagitan pero hindi ko magawa dahil sa kamay niyang nakapatong sa aking balikat.
Tahimik kaming bumalik sa mesang nakalaan para sa'min. Inalalayan niya akong maupo, muling napansin ko ang pagtingin ni Cessair sa'king mukha. May nakakalokong ngiti sa kanyang labi—na ngayon ko lamang nakita. I don’t know what’s running on his mind at this moment but I can see the amusement in his eyes.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Jabez kay Devland. Ngumisi naman ang huli bago muling ibalik pagkaka-akbay sa akin. "Sa Comfort Room," aniya at natawang bahagya. Napangisi naman si Jabez at malisyosong binigyan ako nang sulyap.
Madudumi ang utak! Tsk! Umiwas ako ng tingin kay Jabex, itinuon ko ang pansin sa mga taong pumupunta sa gitna nang dancefloor kasama ang kanilang kapareha.
Nagsimulang pumailanlang ang malamyos na tugtog, napangiti ako ngunit pagharap ko muli sa aking mga kasama ay magkasabay na nilahad ni Devland at Cessair ang kanilang mga palad sa akin. Nagkatinginan silang dalawa, kapwa nangungusap ang mga mata. I can sense the tension between the two of them, I look at Cessair’s hand and to Devland's hand. Pabalik-balik na tinitingnan ko ang kamay nilang dalawa sa loog nang ilang minuto, nag-iisip ako kung sino ang papayagan kong makasayaw ako sa gabing ito.
"I don't dance," masungit kong saad dahilan upang maibaba nila ang kanilang kamay. I think I made a good decision. I won’t choose between them.
"I know you can dance," Cessair stated. Hinawakan niya ang kamay ko, hinila niya ako sa gitna ng mga nagsasayawan. He placed my hands on his shoulder and pulled me closer to him. Tumama ang mainit niyang hininga sa aking ilong dahil magkalapit ang aming mukha. Isang galaw niya lang tiyak akong magdadampi ang aming mga labi. My body stiffened because of our distance but it feels good. I was nice to dance with him under the stars and the moonlight, it’s very enchanting.
Hindi ko inaasahan na darating ang araw at makakasayaw ko ang aking matalik na kaibigan. Kahit minsan ay hindi ito sumagi sa'king isipan.
"Morana," he whispered my name. Ramdam ko ang paghihirap sa kanyang boses. Ngunit bakit?
"Cessair," his name perfectly rolled in my lips. I touched his cheeks and upon looking at the depths of his eyes, I'm hypnotized. I felt my heart thumped a little bit faster than usual. I know myself too well, I’ve been keeping it to myself for a long time but I have no courage to tell him the truth. I don’t want to see the disappointment in his eyes when that time comes.
Mas lalong niyang pinaglapit ang aming katawan. Nahihiya ako sapagkat mabilis ang pagtibok ng aking puso, baka maramdaman niya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napatingala ako upang titigan ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin ang taglay niyang kagwapuhan sa malapitan. Alam kong nakakabighani ang taglay niyang kakisigan mula pa man noon, but his mature features has more impact on me. Naamoy ko rin ang kanyang natural na amoy. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Bakit pakiramdam ko'y may nagbago?
"I can feel the beat of your heart. What are you feeling, Morana?" Para akong hinehele sa kanyang boses. Ipinikit ko ang aking mata bago ipilig ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Lulubusin ko na ang pagkakataong ito, baka ito na ang huli.
"Don't fall in love with me," aniya sa maliit na boses. I was taken aback but I remained silent.
I promise, I won't. I know you love someone else and loving you would shatter my heart into pieces.
"Pighati," sambit ko sa pangalang nakasanayan kong itawag. Dahil nakapikit ay hindi ko napansin ang pagpatak ng kanyang luha.
"I missed it!" Hindi ko naririnig ang sinasabi ni Cessair dahil sa lakas ng tugtog. Kasing-lakas nang t***k ng puso naming dalawa.
Nais kong magtagal kami sa posisyong ito, kung saan yakap ko siya't abot-kamay. Ngunit hindi sumasang-ayon ang oras.
Nagulantang ang lahat sa malakas na pagsabog. Nagkakagulo ang mga panauhin, hindi alam kung saan magtatago upang iligtas ang sarili sa kapahamakan.
Hindi naman ako natinag sa aking pwesto. Nanatili akong nakayakap kay Cessair, kung ito man ang huli kong araw. Masaya akong lilisan.
"We need to get out of here!" Napahiwalay ako kay Cessair nang hilain ako palayo ni Devland. Wala sa sariling nakalingon lang ako sa kanya. Hindi siya gumalaw sa kanyang pwesto. Nakatitig lang siya kay Devland na siyang humihila sa akin palayo.
May isang pangitain ang pumasok sa aking isipan.
Isang lalaki ang nakasuot ng dilaw na balabal ang nagtapon ng isang nagbabagang bagay. Tumama 'yon at ang resulta.
Ang kamatayan ni Cessair. Bigla akong natarantanta at hindi mapakali. Hinila ko nang malakas ang kamay kong hawak ni Devland. Mabilis na tumakbo ako pabalik kung saan kami nakatayo kanina. Tinulak ko paalis si Cessair sa kanyang kinatatayuan at ramdam na ramdam ko ang mainit na apoy sa'king likuran.
"Morana!" They shouted in unison. I smiled sweetly as the blazing fire engulfed my whole body.
I hissed when I felt a pang of pain in my chest. Something happened to her. I clenched my fist and tried to see her in my mind.
Nanghihinang umupo ako nang maayos. Sobrang sakit ng aking dibdib, nararamdaman ko rin ang hindi maipaliwanag na hapdi sa'king likuran. Hindi ko alam kung ang nangyayari.
Dahil napapalibutan ng salamin ang paligid ko'y kitang-kita ko kung paano nalalagas ang aking pakpak. Nagiging abo ang mga ito bago pa man tumama sa sahig.
"Why do you keep on chasing death?" Tanong ko kahit batid kong hindi niya ako masasagot.
Lumalabo na rin ang aking paningin dahil sa sakit. Parang hinahati sa dalawa ang aking likuran, parang pinuputol ang aking pakpak.
"Anong nangyayari sayo?!" Sigaw ng aking kanang-kamay nang madatnan akong nakaluhod at nakakapit sa mesa.
Tinulungan niya akong maupo. Mabilis na ginamot niya ang aking sugat sa likuran.
"She's dying," sambit niya. She’s emotionless but I can feel her nervousness.
Nagmamakaawang tiningnan ko ang mga mata niya. Wala akong magagawa dahil sa aking kalagayan kaya ipinagkakatiwala ko sa kanya si Morana.
"Please, Save her." I begged her, she nodded her head lightly before disappearing. I hope it’s not too late to save her.
I watched her a the fire burns out. Kapansin-pansin ang paghihirap sa mga mata niya. Sa tuwing lalapit si Cessair ay lumalayo siya upang hindi masaktan o madamay ang lalaki.
Kaawa-awang nilalang. Hindi nila batid na sila'y pinaglalaruan lamang. Sila'y parte ng isang laro, kung saan ang mahina ay mamamatay.
No one can play this game better than me. Nilisan ko ang lugar na ito dahil tiyak akong hindi pa ito ang oras na mamamatay si Morana, he will save her. Gusto kong maramdaman niya ang sakit. Nais kong makita niya ang babaeng mahal niya na pinoprotektahan ang ibang lalaki, that pain will surely leave a scar on his heart.