"Ano ba talaga ang pakay mo kaya ka narito?" Naiiritang tanong ko sapagkat wala naman siyang ginagawa rito kundi ang titigan ako. He said he was visiting me but I don’t know exactly for what reason.
"I just needed to confirm something," sabi niya at pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
Alam kong bastos ang talikuran ang bisita ngunit ginawa ko pa rin. He's annoying me, I want him out of my sight. Ngunit bago pa man ako tuluyang makatalikod ay hinawakan niya ang aking braso at hinarap sa kanya. I didn't expect his next move, his lips meet mine. My eyes widened in shock, I quickly pushed him away and slapped him so hard. I can’t believe that he would do that to me, I still can’t get over it.
Nakangising pinahid niya ang kanyang labi habang naaaliw na pinagmamasdan ang aking mukha.
"Ikaw nga," masayang sambit niya. Nagtatakang tinitigan ko siya. Ano ang ibig niyang sabihin? Mukhang napansin niya ang ekspresyon ng aking mukha kaya natawa siyang muli. He step closer to me and I took a step back, I don’t want him to come near me.
"Ikaw ang babaeng nagligtas sa akin ng muntikan na akong malason. Ikaw si Morana, sinigurado ko lang dahil nag-iba ang kulay ng iyong mga mata. Are you wearing contact lenses?" He asked, I glared at him. How dare he ask me such questions.
"None of your business. Kung wala ka nang sasabihin, you're free to leave." I said in a cold voice. But he seemed unfazed. He remain standing right in my front with a quirky expression.
"Bakit ang sungit mo?" He asked me before blocking my way. I gestured him to stepped aside but he won't budge.
Hardheaded creature! Tumigil ako sa harapan niya at humalukipkip. Nakatingin ka pa rin siya sa akin kaya napabuga ako ng malalim na hininga. Itinaas ko ang isa kong kamay na animo'y sumusuko.
"Ok, ano ba talaga ang kailangan mo?" Mahinahong tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. He gave a letter that I accepted right away. I opened it to read the content.
It's an invitation to an annual event held by his company. Ibinalik ko ang invitation letter sa kanya.
"I want you to be my date," hindi na ako nagulat sa kanyang pag-anyaya. I just nodded to dismissed our conversation.
"Susunduin kita sa bahay mo." Shrugged my shoulder before walking towards him.
I waved my hand at his face. "Don't bother. Let's just meet at the venue." I casually said before turning my back on him. Narinig ko naman ang mahinang pagsara ng pinto.
Finally! Inner peace! I celebrated silently in the back of my mind.
Ngayong araw na gaganapin ang event sa kompanya ni Devland. Kaya naman nag-ayos ako ng aking sarili. Ayoko naman na mapahiya sa kanyang mga bisita, batid kong ipagkakalandakan niya ako mamaya. I don’t know what he’s up to but I must make myself presentable but not too much, I might caught everyone’s attention because of my beauty. I don’t want that thing to happen because I don’t want anyone’s attention on me.
Am I boasting? Nahh— just telling the freaking truth. I smirked at myself and flipped my hair.
Nakasuot ako nang mahabang long gown. Kulay puti 'yon at fit sa aking katawan kaya makikita ang kurba ng aking bewang. May malaking slit sa gilid kaya sa tuwing naglalakad ako'y makikita ang bilugan kong mga hita. Malalim ang neckline nang suot kong dress at kitang-kita ang pisngi ng aking dibdib. Backless naman ang sa likuran ng bestida, malayang makikita ang buong likod ko. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok sa aking likuran upang kahit papaano'y matakpan ang kalahati ng aking likod.
Light make up lang ang nilagay ko sa aking mukha upang bumagay sa suot kong damit. Katamtaman ang taas ng suot kong itim na slingback heels. At higit sa lahat, naglagay ako ng contact lenses. I don't want to see some disgust on people's faces. Hindi normal ang magkaibang kulay ng aking mata at alam kong kinatatakutan ng ilan 'yon. People are naturally disgusted to the things they aren’t familiar with, they would tend to show fear or either repugnance.
Huminga ako nang ilang besed at taas-noong naglakad pababa sa hagdan. Nasa baba si Sphynx, nakatingala sa akin. Halata ang pagkamangha sa kanyang mata habang pinagmamasdan akong magiliw na naglalakad.
"You looked like a goddess," puri niya habang sinisiyat ang aking kabuuan. Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Hinatid niya ako sa venue pero agad ding umuwi dahil may kailangan pa raw siyang ayusin, hindi na siyang nag-abalang pumasok pa.
Pagbaba ko'y agad na sinalubong ako ni Devland. He possessively wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him. "You look magnificent," he whispered softly to my ears. Bahagyang nailayo ko ang aking sarili dahil nakikiliti ako sa mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat.
Hinawakan ko ang balikat niya at pasimpleng tinulak upang magkaroon ng distansya ang aming pagitan. Subali't imbes na lumayo ay mas lalo pa niyang inilapit ang sarili sa akin, kahit ang hangin ay nahihiyang dumaan sa aming pagitan.
"Devland!" Natigilan ako sa ginagawa kong pagtulak at tumayo nang tuwid. Isang lalaki ang napansin kong tumatakbo patungo sa aming harap. Tumikhim ako at inayos ang suot kong gown.
"Roy!" May ginawa silang handshake. Pagkatapos ay nag-usap sila pansamantala, mukhang napansin naman ako ni Roy sa tabi ni Devland. Pasimple niya akong tinuro. "Hindi ba't siya ang babaeng hinahanap mo? Saan mo siya nakita?" May makahulugang ngiting sabi niya.
Isinalaysay niya ang mga ginawa niya upang makita ako. Habang ang kaharap niya'y paniwalang-paniwala sa bawat salitang namutawi sa labi ng aking katabi, halata namang hindi nagsasabi ng totoo si Devland.
Madali talagang mauto ang mga tao. Gusto kong ipakita ang hayagang pagka-disgusto ko pero pinigilan ko ang aking sarili, ayokong may masabi sa akin ang mga taong nakatingin sa aming direksyon.
Nagtangka akong umalis pero naging maagap siya sa paghawak ng aking braso.
"See you around," paalam niya sa kausap. Seryosong hinarap niya ako. "Huwag mo akong iiwan," bulong niya. Natigilan ako dahil sa sinabi niya, bakit parang doble ang kahulugan? Isinantabi ko na lamang ang bagay na iyon.
Tahimik akong nanatili sa tabi niya habang masaya niyang sinasalubong ang mga panauhin. Hindi ko nga alam kung ano ang ganap ko rito. Para akong display pero hindi na ako nagreklamo, tiniis ko na lang dahil mayamaya lamang ay uuwi na ako.
Mas nagtagal pa kami ni Devland sa pagsalubong at nakakaramdam ako ng pagod, magrereklamo sana ako ngunit nagtama ang paningin namin nang kararating na bisita. Si Cessair, kasama ang kanyang Ama. Siya ang naunang mag-iwas nang tingin, para akong nanghinayang at nawalan ng gana. I’m torn between going home to rest in my bathtub while drinking red wine or to stay here while enduring this kind of stress just to have a chance to talk to Cessair.
Speaking of Cessair, hindi niya pa rin ako maalala. It's very frustrating!
Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa maka-upo sila harapan. Nakita kong agad silang pinagsilbihan ng ilang tauhan ni Devland.
"Let's go to our seats. The party is about to begin." He stated and snaked his arms around my body. Napapalingon naman ang ilang kababaihan sa amin. Ang ilan sa kanila'y masaya, ngunit hindi ang iba. Kunsabagay, patas ang mundo. Hindi lahat ay magugustuhan ka.
Hindi ko sila pinansin. Bakit ko naman pag-aaksayahan ang mga taong puno nang inggit ang puso't-isipan? They're not worthy of any attention.
Nataranta ako nang tumigil kami sa harap ni Cessair. Pinaghila niya ako ng upuan— sa mismong tabi ni Cessair. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ng isang 'to.
"Mr. Trion, this is Morana, my lovely partner." Nagulat ako sa term na ginamit niya upang ipakilala ako sa aming mga kaharap. Pinigilan ko ang sariling mapangiwi at pinilit ang sarili kong ngumiti sa aming mga kasama.
"Hon, this is Mr. Jabez Trion and his son Cessair Trion. They're my business partners." Pagpapakilala niya sa akin. Tumango ako, nais kong sabihin na matagal ko nang kilala ang kaharap ko ngunit batid kong mapapahiya lamang ako.
Jabez stared at me for a while. "Pamilyar sa akin ang 'yong mukha. Nagkita na ba tayo, Hija?" Tanong niya sa akin. Ngumiti naman akong muli, mukhang kinakailangan kong magsinungaling. Kasi kung sasabihin kong kaibigan ako ni Cessair ay walang maniniwala, ngayon pang nakalimutan ng huli ang lahat sa amin.
"This is the first time that we've seen each other. Baka may kamukha lang ako," natatawang sagot ko sa kanya. He just chuckled and focused on talking to Devland.
Ibinaling ko ang tingin kay Cessair. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Parang isang malaking misteryo ang nakatago sa likod ng maamo niyang mukha.
"Morana," sambit niya. Para akong tangang natulala ako sa harapan niya nang banggitin niya ang aking ngalan. I've been wanting to hear it. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa, he remembered my name.
"You hate that name, don't you?" He stated while staring directly through the depths of my soul.
Naalala na ba niya ako?
“Change your clothes, Cessair. Kailangan nating pumunta sa annual party ng mga Sedeja, we need to be there because we’re his business partners.” Tinigil ko ang pagbabasa at pansamantalang napatingin sa kay Papa. He’s fixing his tie with the help of his assistant.
I gently stood up and ascended to my room to change my clothes. Pinili ko ang simpleng black suit at nagpalit. Nilagyan ko ng konting wax ang buhok ko upang hindi magulo ng hangin. Pagkatapos ay bumaba ako dahil alam kong naghihintay si Papá.
May kinakausap siya sa telepono ngunit agad niya ring binaba nang makita ako. “Let’s go,” he said and walk slowly. Nauna akong sumakay sa kotse at ipinikit ang aking mata, naramdaman kong tumabi sa akin si Papá. Hindi na ako nag-abalang imulat ang mata ko para tingnan siya. I take a nap on our way to Sedeja's house.
Sabay kaming bumaba sa kotse ng aking ama at hindi ko inaasahang magtatagpo ang mata namin ng isang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko rito.
Morana.