Chapter 14

1795 Words
I suddenly opened my eyes after gaining my consciousness. Nanatili lang akong nakatingin sa kisame dahil hindi pa tuluyang nag-si-sink in sa aking utak na buhay pa ako. Hindi ako makapaniwalang natakasan ko nanaman ang kamatayan. Talaga ngang isinumpa na mabuhay ako habangbuhay. It sucks! I really wanted to leave this cruel world, pero bakit parang may pumipigil sa akin? Akala ko ay buo na ang pasya kong lisanin ang mundo ngunit ngayon ay nagdadalawang-isip na ako. I want to live longer in this unhappy and chaotic world we’re living in. "Gising ka na," bungad ni Sphynx nang mapansin na bumalik na ang aking malay. Inalalayan niya akong maupo at sumandal sa headboard ng aking kama. Inabot niya ang isang basong tubig na agad kong tinanggap at tinungga ang laman. Nakatitig lang siya sa akin na parang nagtataka kung bakit buhay pa ako. Iniwas ko ang aking tingin at hinaplos ang baso. Bahagya akong nagulat ng bigla na lang niyang itinaas ang suot kong shirt saka sinilip ang natamo kong saksak, napaigik pa ako dahil hinawakan niya ang balat ko. "Naghilom na ang iyong sugat. Marahil ay tumalab na ang bisa ng gamot na aking nilagay sa 'yong dugo, panlaban sa lason." Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata ni Sphynx habang nakatitig sa aking tiyan. Hinawakan ko ang kamay niya. "Salamat sa pagligtas sa'kin," sinserong sabi ko. Makahulugan ang isinukli niyang ngiti kahit nakikita kong nagtataka siya. Dalawang araw akong nanatili sa aking silid upang manumbalik ang aking lakas. Kailangan ko pang magtrabaho, buti't napaki-usapan ko si Sphynx. Ngunit sinamahan niya ako para matiyak ang aking kaligtasan. Mas mainam na iyon upang maiwasan ang insidenteng nangyari. Mas pinaigting si Sphynx ang proteksyon sa bahay, walang makakapasok basta-basta upang pagtangkaan ang buhay ko o ni Sphynx. Naglagay din si Sphynx ng mga patibong sa buong paligid upang agad naming mahuli ang salarin. Binigyan niya rin ako ng isang kwintas na mula sa kanyang kaibigan—may sapantaha ako kung sino ang kaibigan na tinutukoy niya ngunit ang sabi niya'y hindi ang nilalang na 'yon ang nagbigay—Ito raw ang magsisilbing proteksyon ko laban sa nagtataka sa aking buhay. Natawa na lamang ako sa aking isipan. Kahit wala akong proteksyon hindi naman ako mamamatay. Iniiwasan ako ng kamatayan, marahil ay hindi pa ito ang takdang oras upang lisanin ko ang marahas na mundong kinalakihan ko. Bumaba ako sakay ang aking kotse, si Sphynx ang nagmaneho kaya mabilis lang ang byahe. Parang isang kisap-mata lang. Mabuti't hindi kami nasangkot sa aksidente. Sabay kaming pumasok sa aking kompanya at agad kong napansing natulala ang mga tauhan ko. Nagkatinginan ang aking mga empleyado dahil sa aking suot. Batid kong nagtataka sila dahil ngayon lang ako nagsuot ng ibang kulay. I always wear white clothes but now I'm wearing a teal blue colored, off-shoulder romper dress paired with a black five inches stilettos. "The devil changed!" Bulalas ng isa. Narinig ko ang mahina nilang halakhakan kaya nakangiting hinarap ko siya. I showed them my emotionless eyes and show them my authority. "You!" May kalakasan kong sigaw. Halos madapa na siya sa pagmamadaling makalapit sa akin. Napansin ko ang pamumutla ng kanyang mukha habang nakayuko sa aking harapan. I also noticed her trembling hands. "You have guts to badmouth behind me but you can't even look directly in my eyes. I thought you’re brave enough to dare insult me.” I said in icy cold voice to scare her a bit. "M-m-miss," she is stammering in fear. I bite my tongue to prevent myself from laughing. That's it! Fear me! "Consider this as a warning. Go back to work," bulong ko. Hindi ko na pinakinggan ang kanyang pasasalamat. "Kung ako ang sa pwesto mo pinutulan ko na siya ng dila,” komento ni Sphynx habang masamang nakatingin sa aking nga tauhan. My lips twitched into a smirk after reaching for her back to tap it lightly. "Good thing is, I'm not you," sarkastikong sagot ko at mas nauna na sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagsinghal. Bumukas ang elevator at natigilan ako nang makita si Ryan na nagbubuhat ng mga paso. Nagkalat din ang bulaklak sa labas ng aking opisina, nagmukha tuloy na mini jungle ang buong floor. Humahalo rin sa hangin ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak. Kunot-noong pinigilan ko siya sa tangka niyang paglalagay ng Dracaena Marginata—o mas kilala sa tawag na dragon tree—sa labas ng aking pinto. "Anong ginagawa mo?" Masungit na tanong ko. Binitawan niya ang paso at nagkakamot ng ulo na tumayo ng tuwid. Ngumiti siya nang alanginan bago yumukod. "Magandang araw, Miss. Ahm... Nilalagyan ko lang ng mga tanim ang buong floor para naman maganda ang nailalabas na enerhiya sa paligid." Paliwanag niya sa akin. Yumuko siya saka pinaglaruan ang kanyang mga daliri. Akala niya siguro ay pagagalitan ko siya, pinigil ko ang sarili kong mapangiti. I really made a right decision to assign him as my assistant, he has a good initiative. "Anong tanim ang nasa loob ng aking opisina?" "P-po?" Bigla niyang inangat ang kanyang paningin at mukhang gulat na gulat sa aking tanong. Tinitigan ko lang siya dahil ayaw ko nang ulitin pa ang aking sinabi. Nag-isip naman siya ng ilang sandali bago natawa. "W-wala po, w-wala akong…s-susi," nahihiyang sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim at binuksan ang aking opisina. Pagkatapos ay naglakad ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso upang igiya papasok sa aking opisina. "Pagmasdan mo ang kabuuan, nais kong ayusin mo ang aking opisina. You can put anything, except for mirrors. Mirrors are forbidden in my office, do you understand that?" Mabilis ang ginawa niyang pagtango at ramdam ko ang nag-uumapaw niyang saya dahil sa aking tinuran. Nagmamadaling lumabas siya sa aking opisina samantalang si Sphynx naman ay binibigyan ako ng nagtatanong na tingin. "What?" May inis na tanong ko sa kanya. "I didn't know that you like plants," nakangiwing saad niya. I just shrugged my left shoulder before focusing on my paperworks. After a few minutes, Ryan came back with some plants. Sphynx helped him decorating my whole office. Ilang oras ang ginugol nilang dalawa sa paglalagay ng tanim. Palihim naman na kinuha ko ang isang paso na may hibiscus, magandang ilagay ko 'to sa aking lihim na silid, upang kahit paano ay magkaroon ng buhay ang lugar na iyon. Pinalabas ko silang dalawa upang makapasok ako sa secret room. Subali't nagulat ako sa aking nakita. Merong tanim na nakakalat sa buong silid. Napansin ko rin ang isang puting papel na nakadikit sa walk-in closet ko. "Hope I made you smile!" Dahil sa nabasa ay napangiti ako. Kung sino man ang naglagay nito ay nagpapasalamat ako. "Para kang baliw," puna ni Cozbi na lumitaw sa harapan ko. She's wearing a black miniskirt and a white sleeveless top. She improved her fashion sense now, I’m elated! "Cozbi," sambit ko sa kanyang pangalan. Ilang sandali niya akong pinagmasdan bago ngumisi. "Glad you're alive!" Sabi niya bago maglahong muli. I didn’t even got the chance to touch her. Iniiwasan niya pa rin ako. The thought saddened me, I can’t think of any reasons why she should be mad at me. Nagpasya na lamang akong lumabas sa silid. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagdating ng isang panauhin. Nakaupo siya sa couch habang nagbabasa ng magazine. Animo'y pag-aari niya ang lugar na ito. "What are you doing here?" Hindi mapigilang tanong ko sa bisita. Ibinaba niya ang hawak na magazine at tumayo. Naglakad siya palapit sa akin, inabot niya ang aking kamay saka hinalikan ang likod ng aking palad. Nakatitig siya sa aking mga mata habang ginagawa ang bagay na iyon. "I'm visiting you," he casually said. I smiled at him sarcastically as I speak, “State your business, Devland, and leave." Hindi ako mapakali habang nakahiga sa loob ng aking kwarto. Morana is pretending that she doesn’t know me, I pretended too, but it’s bothering me. I need to see her to keep myself sane. Mababaliw ako kapag hindi ko siya nakita sa oras na ito. Ilang araw din akong naging abala dahil sa bagong proyekto ng aking kompanya kaya 'di ako nagkaroon ng pagkakataon na makita si Morana. I think I’m going crazy, I want to see her, I want to touch her…and kiss her. I want to feel her lips pressed against my lips. “Boss, you’re car is ready.” Natigil ako sa pagmumuni dahil sa biglang pagpasok ng aking sekretarya. My eyes landed on his face and I began to glare at him. “Get out, don’t you know how to knock?” I sarcastically said, he just smiled at me and exited the room. I stood up to remove my clothes as I walk through the closet. I choose my best suit to wear, I want to impress Morana. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa aking silid, hinayaan ko ang aking sekretarya na isarado ang kwarto ko. I walk straight out of my house and ride my Lamborghini. Masyado naman yata akong show off. Sinandal ko ang aking siko sa bintana ng kotse at hinawakan ang aking labi. Nagmaneho ako gamit ang isa kong kamay. Hindi gano’n kabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan pero hindi rin gano’n kabagal. Nakarating ako sa harap ng kompanya ni Morana at agad kong napansin kung gaano ka-simple ang buong lugar, pero nakikita ko rin ang pagiging elegante nito. Nakangiting bumaba ako sa aking sasakyan at naglakad sa loob. Ilan sa mga empleyado ay napatingin sa aking direksyon pero muli ring bumalik ang atensyon da kanilang gawain. Nagtanong ako sa ilang narito kung saan ang opisina niya, mabuti at tinuro nila sa akin pero nagbigay sila ng paalala. I don’t think she’ll be mad after seeing me. Ilang sandali lamang ay napadpad ako sa kanyang opisina, walang tao sa labas pero bukas ang pinto kaya pumasok na lang ako. Wala rin si Morana, marahil ay may pinuntahan siya. Naupo ako sa couch at pinagsalikop ang aking nga palad. Prenteng umupo ako at hinintay na bumalik siya. Dahil mukhang matatagalan siya'y kinuha ko muna ang magazine sa ilalim ng center table at nagbasa. Ilang sandali ay naramdaman ko ang kanyang presensya pero hindi ako nag-angat ng tingin. “What are you doing here?” I smirked secretly and put the magazine back before standing up. I look directly at her eyes to see her mismatched eye color but I guess she was using a contact lenses. Much for my disappointment. “I’m visiting you.” Her side lips twitched into a smirk, she pointed out the door and said, “State your business, Devland, and leave.” I shrugged my shoulder and just stared at her. I’m not leaving until I get what I want.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD