Chapter 13

1526 Words
Pinagmamasdan ko ang wangis ni Morana mula sa isang luma at mahiwagang salamin. Hindi pa rin naaalis ang lason sa kanyang katawan. Halos hindi na tumitibok ang kanyang puso ngunit patuloy siyang lumalaban. That's right, labanan mo ang kamatayan. Huwag mong hayaan na kunin ka nang tuluyan. Gustong-gusto ko siyang tulungan pero hindi ito ang tamang oras. May isang nilalang na nagmamatyag sa kilos ko. Sa oras na gumawa ako ng hakbang tiyak akong mas malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Morana. And I won't be able to save her. Tinago ko ang salamin nang maramdaman ang isang pamilyar na presensya. Narito nanaman siya sa aking silid. Ang nilalang na puno't-dulo ng lahat. Mabilis na kinuha ko ang libro sa ilalim ng aking mesa. Tinapat ko ang libro sa aking mukha at nagkukunwaring nagbabasa. Marahas na bumukas ang pinto ng aking opisina. May nakakalokong ngisi sa kanyang labi. "Mukhang wala kang ginagawa upang iligtas si Morana mula sa kamatayan," ani niya. I secretly grinned. "Bakit ko naman ililigtas ang taong gustong mamatay?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya ngunit agad siyang ngumiti upang itago ang nararamdaman. Tsk! Smile is the only way to conceal what you really feel. Kahit kauri ko'y iyon ang ginagawa. "Talagang hindi ka nagbabago. Kahit ang taong iniibig mo ay ginagamit mo para makuha ang iyong nais." Ipinakita ko sa kanya ang nakakalokong ngising nasa aking mukha. "Love can't stop me to get what I want. Alam mo 'yan, mas nanaisin kong lumakas ang aking taglay na kapangyarihan kesa mahibang sa tinatawag mong pagmamahal." "I will kill her," may diing sambit niya. I just nodded and shrugged my shoulders. "Just go ahead, kill her! I don't mind," balewalang sagot ko sa kanya. He just smirked and vanished from my sight. Kinuyom ko ang aking palad habang nakatitig sa kawalan. Bago mo siya masaktan, dadaan ka muna sa taas. I can manipulate everyone, I can play this game very well. Malakas na sinipa ko ang librong nakakalat sa harapan aking harapan. Mahirap intindihan ang utak ng nilalang na iyon, hindi niya ito malamangan. Hindi rin siya makagawa ng hakbang upang paslangin ito dahil iisa ang aming batas. We shouldn't kill our own kind! Isang batas na gustong-gusto kong baliin mawala lang siya sa landas ko. Isa siyang malaking hadlang upang makuha ko ang nais ko, ang kapangyarihan niya. "Ano ang balita? Niligtas niya ba ang babaeng 'yon?" Tanong ng isang nilalang na isa sa aking pinagkakatiwalaan. Isa rin siyang makapangyarihan na sa aming uri pero mas mababa ang rango sa nilalang na nagbabantay kay Morana. Naiinis na umiling ako dahilan upang lumiyab ang mga libro sa aming paligid. Nagpupuyos ako sa galit dahil pakiramdam ko’y pinaglalaruan niya ako. "Batid kong alam niya na minamatyagan natin siya kaya hindi siya gumagawa ng paraan na iligtas ang babaeng iniibig niya. Kailangan nating gumawa ng alternatibong paraan upang maalis sa landas natin si Morana. Siya ang humahadlang sa ating mga plano." Umiigting ang panga niya sa pagpipigil ng galit. Pansin ko rin ang unti-unting paglitaw ng kanyang sungay. Bago pa man ako sumagot ay umalis na siya sa harapan ko. Malakas na isinara niya ang pintuan. Huminga ako ng malalim upang maalis ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Ano ba talaga ang pinaplano niya? Galit na ibinaba ko ang tawag mula sa aking kliyente. Bigla niyang kinansela ang lahat ng napag-usapan namin. Malaki ang mawawala sa aking kompanya kapag ito ang mangyayari. Malaki na ang perang ipinalabas ko maisagawa lang nang maayos ang takbo ng negosyo. Marahan kong hinilot ang aking sentido. Parang tumaas ang aking dugo, nangangalay ang aking batok. "Boss!" Masamang tiningnan ko ang aking sekretarya nang pumasok ng walang pasabi. Dala niya ang isang kwaderno na naglalaman ng aking schedule at appointments sa buong linggo. "I told you to knock," muling ulit ko sa aking bilin dahil mukhang nakalimutan niya. Ngumiti naman siya ng matamis at hinawakan ang dulo ng kanyang buhok. "Sorry po, tumawag po kasi ang sekretarya ni Mr. Argon, kinansela niya ang la—" Itinaas ko ang aking palad upang patigilin siya sa pagsasalita. Agad naman siyang tumigil at umaktong sinasara ang bibig. "Alam ko, siya mismo ang tumawag sa akin. Kaya ngayon ay nag-iisap ako ng paraan upang hindi malugi ang aking negosyo." Sumenyas siya sa akin kung pwede na ba siyang magsalita. I nodded my head and let her speak. "Iyon na nga po, Boss. Meron kasing dumating na lalaki. Sinabi niya na interesado siya na makipag-trabaho sa inyo. Kaya agad na pinuntahan kita rito dahil nasa labas na siya. Kung ayaw niyo naman, pwede ko siyang paalisin. Sasabihin ko na wala ka sa mood kaya—" "Ang daldal mo. Papasukin mo siya rito. Kakausapin ko siya," utos ko. Lumitaw ang masayang ngiti sa kanyang labi. Lakad-takbo siyang lumabas sa aking silid. Ilang sandali ay muli siyang pumasok, nakasunod sa likuran niya ang isang lalaki na may katandaan na. May hawak siyang tungkod ngunit mukhang hindi pa naman mahina ang kanyang mga tuhod. May isang lalaki na biglang pumasok, hinawakan niya ang braso ng matandang lalaki at inalalayang maglakad. "Gracias," tinapik niya ang braso ng batang lalaki. "Good morning, Mr. Sedeja!" Masayang bati ng matanda sa akin. Ngumiti siya ng malapad. "Allow me to introduce myself, I am Jabez Trion and this is my son, Cessair." Inilahad niya ang kanyang kamay na agad kong tinanggap. Gano'n din ang kanyang anak. "Please, take a seat." Sabay na umupo kaming tatlo. Sinabihan ko naman ang aking sekretarya na maghanda ng pagkain para sa panauhin namin. "Narito kami ng anak ko upang sabihin na interesado kami sa iyong negosyo. Nais kong magkipag-sosyo sa iyo." He stated his business and I agreed. Wala naman kasi akong makitang problema. I let them signed a contract and talk a little bit. "Salamat sa iyong oras, Mr. Sedeja," pasasalamat ni Jabez. Tumango ako at sinamahan sila sa hanggang sa lobby. "Just call me Devland, Mr. Trion, and thank you for collaborating with our company." Muli kaming nagkamay na tatlo bago sila tuluyang umalis. Nakatitig naman ako kay Cessair na umaalalay sa kanyang ama. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko matandaan. "Boss, meron ho tayong problema." Sabi ng aking sekretarya na biglang sumulpot sa aking tabi. "What?!" Sigaw ko matapos niyang isalaysay ang problema. Tumakbo ako sa parking lot at hindi magkamayaw na sumakay sa aking kotse. Mabilis na nagmaneho ako patungo sa luma naming bahay. "Hanggang kailan mo siya matitiis?" She whispered while flapping her wings. I didn't even know how to answer her question. All I want is to keep her safe. I visited Morana while she’s still unconscious, I don’t want her to see me when she’s awake. "Mukhang hindi mo alam ang sagot. Bakit ba kasi kailangan mong magsakripisyo para sa kanya?" Bakas ang pagtataka sa kanyang tinig. Batid kong nag-aalala siya pero ito lang ang alam kong paraan para mapanatili siyang ligtas mula sa aking mga kalahi. "Love," tanging sagot ko. Mahal ko siya kaya ginagawa ko ang bagay na ito. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya, kaya ko nga ikinukubli ang tunay kong katauhan. Kung sino at ano ako, tinago ko upang hindi siya mag-isip na kapahamakan lang ang dala ko sa kanya. "Love? Ridiculous, when did you believe in love? It's a myth," natatawang saad niya. Itinago niya ang kanyang pakpak. Pagkatapos ay inayos niya ang kanyang sarili. Seryosong tinitigan niya ang aking mukha, may kung ano sa kanyang mga mata ngunit hindi ko batid kung ano ang ipinapahiwatig. Umiwas siya ng tingin sa akin at muling inilabas ang kanyang pakpak para linisin. "Your love is slowly killing you. So if I were you, I would stop loving to save myself." Payo niya sa akin bago maglaho. I inhaled a sharp breath. Paano ko ililigtas ang sarili ko sa kung alam kong kapalit no'n ay ang buhay niya. I can't risk her, hangga't kaya ko siyang protektahan, gagawin ko. Muli ko siyang pinagmasdan mula sa mahigawang salamin. Hanggang sa ngayon ay natutulog pa rin siya, unti-unti nang bumabalik ang t***k ng kanyang puso. Curse is a curse. No any other creature can undo it, even me. I’m not even strong enough to face my own curse and it’ll forever resent me. Once a curse is bestowed you’ll live with it, you can’t escape it. It will haunt you for the rest of your life not until someone will save you—but it will risk their own life. Napansin ko ang marahang pagmulat niya ng mata. She stared at the ceiling for a little while before moving. Napansin ko ang kanyang mga mata, walang emosyon. Her mismatched colored eyes are soulless. Just hang in there my love, just wait a little longer. Aalisin ko rin ang paghihirap mo. Kailangan ko munang alisin ang lahat ng balakid at banta sa iyong buhay. "Kailan mo aaminin sa kanya ang totoo?" Dinig kong tanong niya sa aking isipan. Kapag handa na siya, sasabihin ko ang lahat. Ngunit hindi pa sa ngayon. Batid kong kumikilos na sila, lalo na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD