Chapter 12 - Phantom Killer

1923 Words
"Sphynx, wala ka bang balita tungkol kay Cozbi? Ilang linggo na siyang hindi nagpapakita. May nangyari ba sa kanya?" Tanong ko sa aking kasama habang pinaglalaruan ang isang punyal na nakita ko sa loob ng aking kabinet, hindi ko alam kung sino ang naglagay nito pero batid kong hindi ko pagmamay-ari ang punyal na ito. She shake her head without looking at me. She's touching her wings gently like it was her own child. Napansin ko rin na hinahaplos niya ang sungay niya. Mukhang pinipigilan niya ang sarili na magsalita kaya hinayaan ko na lang siya. I know she knows where Cozbi is but she keep it to herself. I’m just going to understand them. Sabay na napatayo kami nang may kumalabog sa aking silid. Nag-uunahan kami sa pagtakbo papunta sa aking kwarto upang tingnan kung anong nangyayari. Agad na napansin ko ang nagkalat na bato, may napansin din akong itim na pusang nakahiga sa aking kama. Wala sa sariling nilapitan ko ang pusa at binuhat. Narinig ko naman ang pagpigil ni Sphynx sa akin pero wala akong lakas na pigilan ang sarili ko, parang mag nagkokontrol sa akin. "Huwag mong hawakan!" Sigaw niya ngunit huli na. Nag-iba ang anyo ng pusa at gulat na napatitig ako sa nilalang na nasa aking harapan. Nakasuot siya ng dilaw na balabal, hindi ko masyadong naaaninag ang kanyang katawan dahil may kung anong mahikang nagkukubli ng kanyang pagkakakilanlan. Hinaklit niya ang aking braso dahilan upang mapangiwi ako, bumabaon sa aking balat ang mahaba at itim niyang kuko. I hissed because of stinging pain and tried to free myself but the unknown creature is so strong that I can’t even move an inch. Muli akong nagpumiglas subali’t natigilan ako dahil sa biglang pagbaon ng punyal na hawak ko sa aking tiyan. Hawak ng estrangherong nakabalabal ang punyal. Tiningnan ko ang aking tiyan, hindi ko alam bakit bigla akong nanginig ng makita ko ang aking sariling dugo. "Bitawan mo si Morana!" Kinakabahang utos ni Sphynx sa nilalang na sumaksak sa akin. Umawang ang aking labi nang ibaon niya pa ang punyal na nakasaksak sa aking tiyan. I can already taste the rusty flavor of my blood. Napahawak ako sa kanyang kamay dahil nanghihina ako. "Die," bulong niya sa akin. Sinubukan siyang hawakan ni Sphynx ngunit naglaho siya sa hangin. Napaupo ako sa sahig habang hawak ang nagdurugo kong sugat. My hands are trembling and I can feel the excruciating pain in my stomach and I can hear my blood rushing thru my veins, it’s the poison. The weapon he used has poison on it. Batid kong malalim ang natamo kong saksak dahil ramdam na ramdam ko ang hapdi. Mabilis na dinaluhan niya ako, iniakbay niya ang aking braso sa kanyang balikat at inalalayan akong mahiga sa kama. She ripped my clothes and check my wound. She was taken aback for a second and began to panic. Nakita ko rin ang pagdaan ng takot sa mga mata niya. "Hindi maaari, mabilis na kumakalat ang lason sa iyong katawan." Naglaho siya sa aking harap marahil ay kukunin niya ang gamit niya sa panggagamot. Pagbalik niya ay may dala na siyang lunas. Mabilis ang bawat galaw niya. Sinisiguro na magiging ligtas ako. Wala naman akong maramdaman, pakiramdam ko’y namanhid ang buong katawan ko, batid kong delikado ang lason na kumakalat sa buong katawan ko. Cozbi... I called her name in my mind. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. But I want to see her before I lose my consciousness. If I die tonight, will you come over? I slowly closed my eyes. I can feel Sphynx trying to get the poison in my veins. "Huwag kang matutulog," utos ni Sphynx. Mahinahon ang kanyang tinig ngunit alam kong natatakot siya para sa aking kalagayan. Ngunit sa tingin ko ay hindi ko magagawa ang utos niya. Parang may humihila sa akin. Gustong-gusto kong maidlip, kahit sandali lang. Naimulat ko ang aking mata nang sampalin ako ni Sphynx ng malakas. “Don't sleep! Bullsh*t!” She shouted angrily but there’s a hint of nervousness in her voice. "S-sphynx," tawag ko sa kanyang pangalan. Naaawang tiningnan niya ako. Ilang sandali ay nawalan nang emosyon ang mukha niya. Bigla namang lumitaw si Cozbi sa kanyang tabi. "C-cozbi," she came. Nakiki-usap na tumitig ako sa kanya. She smirked evilly at hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi. "Let her die," she said emotionless. Tinalikuran niya ako at hinila si Sphynx—na walang magawa kundi ang sumunod sa kanya. Naubo ako nang ilang ulit at ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa aking bibig. Nanlalabo ang aking tingin pero hindi ko hiniwalay ang pagtitig sa kanya. I'm hoping that she would save me from the poison, but she remained standing and just watched me as I lose consciousness. Tuluyan nang nawalan ng malay si Morana habang nakahiga sa kanyang kama. Mukha lang siyang natutulog nang mahimbing. Huminto na rin sa pagdugo ang kanyang sugat. Samantalang si Cozbi naman ay hindi mapigilang magngitngit. Nakaharap siya sa salamin habang pinagmamasdan ang paglagas ng kanyang pakpak. Hindi ko pahihintulutan na makuha mo ang iyong nais. Bulong niya sa kanyang isipan. Napangisi siya hanggang sa nauwi sa malakas na halakhak. "Hindi mo magagawa ang nais mo, hangga't nabubuhay ako." Muling niyang sambit habang nagbabagong anyo. Isinuot niya ang dilaw na balabal at hinarap si Sphynx na nakatitig lang sa kanya at mukhang hindi alam ang gagawin. She’s torn between saving Morana or obeying Cozbi's order. "Huwag kang magtatangka na buhayin siya dahil ako mismo ang papaslang sa iyo." Banta niya at iniwan ang babaeng nakatitig sa kawalan. Napailing si Sphynx makalipas ng ilang minuto. Bumalik siya sa silid ni Morana upang tingnan ang kalagayan nito. Unti-unti nang humihina ang t***k ng kanyang puso. Mukhang ilang oras na lang ang itatagal ng babaeng nakahimlay. Nagpasya siyang iwan na lang si Morana dahil hindi niya makakaya kung sa mismong harap niya ito mawawalan ng buhay. Saktong pag-alis niya ay may isang nilalang na lumitaw sa tabi ni Morana. Sinuri niya ang mukha ng babae, napangiti siya nang makita ang kabuuan nito. Namumukod-tangi ang taglay nitong alindog, kahit na sino ay mahuhumaling sa kanyang kagandahan. Gandang lubhang mapanganib. "Malapit na ang iyong kamatayan," masayang saad niya pero agad din siyang natigilan ng may pumasok na ideya sa kanyang isipan. "Malungkot nga lang ang kahihinatnan ng iyong kapalaran. Dahil iisa lang ang paraan na makawala ka sa sumpa. Kapag pinaslang ka nang taong tunay na umiibig sa iyo, ngunit imposible." Napailing siya at sinuri ang sugat ng babae. Kunot-noong napailing siya dahil kilala niya kung sino ang may kagagawan nito. “Mukhang pareho tayo ng hinahangad ngunit hindi ko hahayaang maunahan mo ako, isa lang ang pwede magtagumpay sa ating dalawa.” Hinawakan niya ang natamong sugat ni Morana—ginamit niya ang kanyang kakayahan para alisin ang lason sa katawan ni Morana—bago maglaho sa kawalan upang magtungo sa lugar kung saan batid niyang naroon ang kanyang nais makita. Nagkakagulo naman sa isang parte ng daigdig. Magkaharap ang dalawang nilalang. Isang nagbibigay ng delubyo at isang nagpoprotekta. Nag-iingay ang mga nilalang na nakasaksi sa kanilang sagupaan. Nagpalitan sila nang atake hanggang sa tuluyang sumuko ang isa dahil sa sobrang panghihina. "May araw ka rin sa akin," banta niya sa kaharap bago maglaho. Umusbong ang galit sa kanyang dibdib nang pumasok sa isipan ang dahilan kung bakit sila naglaban. Iisang nilalang. Natahimik ang lahat ng magpakawala siya ng malakas na kapangyarihan. Sadyang nakakatakot ang kanyang taglay, sapagkat isa siya sa pinaka-mataas na uri ng kanilang lahi. Kaya marami ang naghahangad sa kapangyarihang pagmamay-ari niya. Walang pwedeng manakit sa babaeng iniibig ko. Sumpa ng nilalang sa kanyang isipan. Kinuha niya ang isang mahiwagang salamin. Pinagmasdan niya ang wangis ng dalagang iniibig. Isang dalagang bumihag sa kanyang puso magmula pa noon. Muling bumalik ang kanyang kalaban at patalikod siyang sinugod, subali’t naramdaman niya iyon kaya agad siyang nakaiwas bago pa man siya tamaan ng atake. Habang naglalaban silang dalawa ay merong isang nilalang na nagkukubli sa dilim, pinagmamasdan kung gaano kalakas ang taglay na kakayahan ng kanyang kalaban. Napangiti siya ng mapansin ang pakpak nito, “hindi magtatagal ay magtatagumpay ako.” Isang babae naman ang natagpuan na palutang-lutang sa isang ilog. Wala nang buhay ang babae at hindi malaman ang sanhi ng pagkamatay niya. Nagkakagulo ang kapulisan dahil ika-sampo na itong biktima. Hindi nila mahuli ang may sala. Magaling itong magtago at sa palagay nila ay isang makapangyarihang tao. Iniimbestigan nila ang kaso ngunit hindi sila umuusad, mas lalo lamang na nadaragdagan ang mga biktima. Kailangan na nilang kumilos bago pa tuluyang dumami ang mga nabibiktima ng tinawag nilang Phantom killer. Sa kabilang bahagi ng kwento. Isang nilalang ang nagsasaya habang pinapahirapan ang kanyang biktima. Walang awa niyang sinasaktan hanggang sa tuluyan na itong bumigay dahil sa panghihina. Hindi niya pinakinggan ang pagmamaka-awa ng kaharap niya. Ang tanging nais niya lang ay maibsan ang kanyang nararamdaman. Dahil kung hindi niya iyon ilalabas ay mas lalong marami ang mapapaslang niya. Matapos niyang paslangin ang nasa harapan ay pinasok niya ang katawan sa loob ng freezer na nasa loob ng pag-aari niyang truck. Nagsuot siya ng takip upang walang sinuman ang makakilala sa kanyang pagkakakilanlan. Basta na lang niyang inabandona ang truck sa isang madilim na parte ng gubat. Nakangisi siyang naglakad pabalik sa kanyang tahanan. Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Nagpalit siya ng damit at nagmaneho sa paligid. Nadaanan niya ang ilang tao na nagkukumpulan, sa tingin niya ay may nakatuklas na nang krimeng ginawa niya. Ang buong akala niya ay walang nakasaksi sa krimeng kanyang ginawa ngunit nagkamali siya, dahil merong isang nilalang na nagbabantay sa bawat galaw niya. Naghihintay ng pagkakataon na sila’y magkaharap upang maisagawa niya ang kanyang plano. “Bakit gumawa ka ng hakbang nang hindi nagpapaalam sa akin?” seryosong tanong niya, napayuko ako at hindi makatingin sa kanyang mga mata. Alam kong mali ang ginawa ko, muntik pang masira ang kanyang plano dahil sa pagiging padalos-dalos ko. “Tingnan mo ang sarili mo, sa tingin mo ba'y makakaya mo ang taglay niyang kapangyarihan? Hindi mo siya kaya, Dolion, nilagay mo lang sa panganib ang buhay mo dahil sa ginawa mo kay Morana. Mas mabuti sigurong umalis ka muna, tiyak akong hahanapin ka niya upang parusahan.” Nakatingin lang siya sa akin at kitang-kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mga mata. “Hindi mo rin dapat ginamit ang aking pagkakakilanlan. Umalis ka na, Dolion. Muli kitang ipapatawag kung nais kong hingiin ang iyong tulong.” Yumuko ako aa harap siya at naglaho. Nagpasya akong magtago na muna sa gitna ng gubat. Nagpalit ako ng anyo bilang isang rattlesnake. Gumapang ako hanggang sa makaakyat sa isang puno at doon nagpahinga. Nang tuluyang makaalis si Dolion ay napatitig ako sa aking iniinom. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa, may parte sa akin na nagustuhan ang pagtangka niya sa buhay ni Morana. Inabot ko ang telepono sa aking mesa at tinawagan ang isa sa aking pinagkakatiwalaan. “Good day, Sir. What can I do for you?” she answered the telephone politely. “Send your men on a mission, including him.” “Right away, Sir.” Binaba ko ang tawag matapos siyang kausapin. Nilapag ko sa mesa ang hawak kong baso at lumabas sa aking opisina upang puntahan siya sa kanyang silid. Marahan kong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at napansin ko siyang nakatitig sa isang litrato. Naiiling na sinarado ang pinto at hinayaan siyang mapag-isa. Darating ang araw na matatanggap mo rin ang kanyang pagkamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD