Ilang linggo nang hindi nagpapakita si Cozbi sa akin, hindi rin siya sumusulpot. Ilang linggo na ring tahimik ang aking buhay. Walang gulo, walang kahit na anong nangyari. Hindi rin ako ginagambala ng aking pangitain.
But something is bothering me, hindi ko nga lang mapangalanan. Simula nang mabasa ko ang liham na galing sa pusa ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko’y laging may nakasunod at nakamasid sa bawat galaw ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako natatakot sa banta pero meron nagsasabi sa likod ng aking utak na mag-ingat ako.
Pinagmasdan ko si Cessair mula sa binoculars na hawak ko. Narito ako sa taas ng isang puno, tinitingnan siya. He didn't even bother to find me. Hindi niya ba talaga ako naaalala? Maaga pa akong nandito at pinagmamasdan siya dahil gusto kong malaman kung anong ginagawa niya sa kanyang buhay. Nagmumukha akong stalker nito.
Nagulat ako nang makarinig ng malakas na pagsabog. Hindi ko alam kung saan 'yon galing. Tumalon ako mula sa kinauupuan ko, basta ko na lang tinapon ang hawak na binoculars sa kung saan.
Tumakbo ako sa gitna nang kagubatan hanggang sa marating ko ang dulo. Nadatnan ko ang isang kotse na umuusok at nag-aapoy. Mabilis na sinuri ko ang sasakyan kung meron bang nangangailangan ng tulong.
Napansin ko ang isang babae na walang malay. Nakahiga siya sa kalsada at dumudugo ang noo. Mabilis ko siyang dinaluhan. Sinuri ko kung tumitibok pa ang kanyang pulso, buti na lang at buhay pa siya. I carried her, gosh! Ang bigat! Ano ba ang kinakain ng babaeng 'to at ganito siya kabigat, pakiramdam ko’y nagbubuhat ako ng dalawang tao.
Hindi ko siya kayang buhatin kaya naghanap ako ng pwedeng tumulong. Hindi ko alam na ganito kabait ang tadhana dahil napansin ko ang isang kotseng papalapit dito. Salamat at may dumating na tulong hindi ko na kailangang tumawag ng ambulance.
I waved my hand so the driver can see me. Tumigil siya sa aking harapan, gano'n na lang ang gulat ko nang mapansin kung sino ang nagmamaneho.
It's Devland. Hindi ko pinahalatang nagulat ako pagkakita sa kanya. I unconscious fixed my hair and straighten out my wrinkled clothes.
"Do you need help?" May kalakasang tanong niya dahil sa lakas ng tugtog na nanggagaling sa kanyang sasakyan. Bahagya akong yumuko upang 'di na niya kailangang tumingala sa akin.
Itinuro ko ang babaeng nakahandusay sa daan. "I need to bring her to the hospital!" Dali-daling bumaba siya sa kanyang kotse at binuhat ang babae. Sumakay ako sa shotgun seat saka pinatay ang tugtog. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin dahil sa aking ginawa. I was about to tell him that I hate plangent noises coming out from the radio but I choose not to, I might offend him.
"Just don't ask, hurry before she die!" I shouted at him. Muntik na akong matawa nang mapatalon siya sa gulat at nataranta sa pagkilos. So adorable, I gulped because of my thought. How can I say that he’s adorable? Am I attracted to him? Mahinang pinilig ko ang aking ulo, hindi ako magkakagusto sa ibang lalaki dahil alam ko sa sarili ko kung kanino ako nahuhumaling.
Pinasibad niya ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na hospital. He carried the girl to the ER, buti na lamang at minor injury lang ang natamo niya sa aksidente. Kaya siguro hindi ko siya nakita sa aking pangitain sapagkat hindi naman siya nag-aagaw buhay.
"Thanks for helping," sambit ko habang naglalakad kaming dalawa palabas. Tinawagan ko na rin ang guardian ng babae kaya may magbabantay sa kanya.
"No worries," tumigil siya at tinitigan ang aking mukha. Good thing I'm wearing a contact lenses right now, he won’t recognize me.
"You look familiar, but I'm certain that she's not you." Sabi niya. Pinagmasdan niya ang aking mata. Hindi ako umiwas ng tingin para ipakitang hindi ako apektado sa kanyang mga titig.
"Sino ba ang tinutukoy mo?" Kunwari ay hindi ko alam ang sinasabi niya.
He breathe heavily. "Morana, I've been looking for her. Ngunit hindi ko pa rin siya matagpuan. Gusto kong magpasalamat sa ginawa niyang pagligtas sa akin." Kwento niya, may emosyon na dumaan sa mata niya. Isang emosyon na ayaw kong makita sa kahit na sino.
Affection. That’s the only emotion I can see in his eyes.
"Darating ang araw na magtatagpo ang inyong landas," wala sa sariling sabi ko sa kanya. His lips lifted into a smile. I was stunned for a moment he looks so perfect.
"Sana nga, Morana," makahulugang sagot niya. Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil sumigaw ang isang nurse na tumabi kaming dalawa. Nakaharang pala kaming dalawa sa gitna. Tumabi kaming dalawa at nagpatuloy sa paglalakad. Nilingon ko siya at muling nagtanong dahil hindi ko narinig ang kanyang sinabi kanina.
"What did you say a while ago?"
Nakangising umiling siya. Pinaglalaruan niya ang susi ng kanyang kotse.
"Gusto mong ihatid kita?" He offered me a ride but I declined. I shouldn't trust anyone.
"Next time na lang," he said before waving his hands to bid for goodbye. Ngumiti ako ngunit alam ko sa sarili kong pilit lang. Pinagmasdan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.
Napapailing na naglakad na lamang ako. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tumakbo ako papunta sa abandonadong gusali upang sumilong pansamantala, hanggang sa tumila lang ang ulan.
"f**k! I'm wet!" I cursed and removed my coat. Sinabit ko ang coat sa aking braso, tahimik na naglakad ako papasok sa gusali. Ang dilim ng lugar, napansin ko rin ang ilang daga na tumatakbo, ang mga sapot ng gagamba, mga lumang gamit na napabayaan at isang lalaki?
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang lalaking nakatayo sa madilim na parte ng gusali. Batid kong inoobserbahan niya ang bawat galaw ko. I pretended that I didn't know that he's eyeing me. I walked closer to him, and there I noticed the bad aura around him.
He's possessed by an evil spirit.
Hindi na ako nagulat nang tumalon siya sa harapan ko, umatras ako at umaktong nagulat sa bigla niyang pagsulpot. Namumula ang kanyang mga mata, para siyang lulong sa bawal na gamot. He was gawking at me intensely.
"Anong ginagawa mo sa aking tahanan?" He asked in a stern voice and started to walked towards my direction.
Umarte ako na parang kinakabahan at natatakot. "N-naligaw ako," sinadya kong manginig ang aking boses. He smirked evilly and reached my hand. He stepped closer to me and started sniffing my face.
What an imbecile! Tiniis ko ang pandidiring nararamdaman ko habang nag-iisip ng magandang plano upang paalisin siya sa katawan ng lalaki.
He started to touch me inappropriate. This is maddening! I slapped him and pushed him to the walls.
"Get out," mahinahong utos ko. Tumawa siya nang malakas kaya sinipa ko ang kanyang dibdib. Lumabas siya sa katawan ng lalaki at mabilis na lumipad sa ere.
An evil spirit with a broken wings. He is smirking evilly while just staring at me with a blankly. There’s no emotion in his eyes and it’s dangerous. This type of evil has no remorse.
"Get lost!" Galit na sigaw ko bago siya saksakin gamit ang kutsilyo na idinesenyo para sa kanyang uri.
Naglaho siya sa hangin na parang bula. Wala manlang kahirap-hirap, ni hindi ako pinagpawisan. Ngunit batid kong hindi ko siya napaslang.
Sinipa ko ang lalaki na nakahiga sa sahig. Hindi ko tinigilan hanggang sa hindi siya magising. Napabalikwas siya ng bangon at nanlalaki ang mata na nakatitig sa akin.
"S-s-sino k-ka? A-anong ginagawa k-ko rito?"
I shrugged my shoulder before snapping to vanish.
Bumagsak ako sa aking higaan ngunit agad ding napabalikwas sa pagtayo. Ngayon ko lang napansin na naglilinis pala si Sphynx, dahil sa ginawa ko ay nagulo nanaman ang kama.
"Tsk!" Palatak niya, mukhang nainis ko ang demonyong kasama ko. I smiled apologetically to her and tiptoed on my way to the comfort room but she stopped me. “Jan ka lang, kakalinis ko lang sa banyo.”
Dahil hindi niya ako pinayagang pumasok sa comfort room ay hinubad ko ang aking damit sa harapan niya. Wala naman siyang pakialam, ni hindi niya ako nagawang titigan. Ngunit ilang sandali ay napatingin siya sa’kin habang magkasalubong ang kilay.
“Pumasok ka na nga lang doon.” Tukoy niya sa bathroom, nakangising tinitigan ko siya pero muli niyang ibinalik ang atensyon sa paglilinis.
Nakahubad na pumasok ako sa bathroom, nagpasya akong magbabad na lamang sa bath tub para maalis ang bumabagabag sa aking utak. Si Cozbi, Cessair, idagdag pa si Devland.
Biglang pumasok sa isipan ko si Dolion, kamusta na kaya ang isang 'yon? Hindi na siya nagparamdam sa akin.
But speaking of the devil. He appeared in my front. He's wearing a dark blue, bathrobe.
"Tinatawag mo ako?" Tanong niya sa akin. I creased my forehead because of his question. "Bakit naman kita tatawagin?" May pagtatakang tanong ko.
"I heard your voice," sagot niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid ng banyo.
"Wala kang salamin?" Nang-uusisang tanong niya. I blew a large amount of breathe before shaking my head.
"Umalis ka na," utos ko sa kanya. He just stared at my face for a minute before disappearing.
"I thought, you'll let me kill her."
“Ilang araw ka na narito, wala ka bang balak na magpakita kay Morana? Ilang beses na siyang nagtanong kung saan ka. Marahil ay nagtataka siya kung bakit hindi ka mukhang kabute na sumusulpot sa kanyang harapan.” Dinig kong pagkukwento ni Sphynx. I breathe deeply and avoided her questioning look.
“Alam mo ang rason kung bakit hindi ako nagpapakita sa inyong dalawa. Ayaw kong mapahamak kayo, hangga’t hindi ko nasisigurong ligtas ang lahat ay hindi ako magpapakita kay Morana.” Pagpapaliwanag ko sa kanya, napasimangot naman siya at inabot sa akin ang kanyang dalang pagkain.
“Ako na ang bahala kay Morana. Mag-ingat ka, Cozbi. Ikaw ang tunay niyang pakay at hindi kami.” Naglaho siya matapos niyang bitiwan ang katagang iyon. Alam kong ako ang pakay niya pero madadamay pa rin kayo kaya lalayo ako.
Binuksan ko ang bigay niya at napangiti ako dahil sa smiley face na nasa disenyo sa kanin. Batid kong si Morana ang may gawa nito. Siya lang naman ang tanging tao na mahilig maglagay ng nakangiting mukha sa mga pagkain upang asarin ako.
“Saan ka galing?” natigilan ako sa aking pagtangkang pagpasok nang marinig ko ang boses niya. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumisi. “Galing ka sa kanya, tinanggap ba niya ang iyong alok?”
Umiling ako at nagbihis bago siya muling harapin. “She’s stubborn than any of our kind. Hindi siya basta-bastang magagamit dahil matalino ang isang 'yon.” He nodded his head and stared at his magical mirror. Pinagmamasdan niya si Cozbi, batid kong alam ni Cozbi na binabantayan ang kanyang bawat galaw kaya wala itong ginagawang hakbang. I scoffed while touching my chin, what eles can I do to kill her?