bc

Selling my Stupid Wife

book_age18+
542
FOLLOW
4.7K
READ
forbidden
HE
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

After the divorce, my ex-husband sold me to his billionaire boss.........................................................................................................................................................

chap-preview
Free preview
Kabanata - 1
NAKATALI ang dalawa kong kamay at paa habang tinitira ako ng asawa ko dito sa kuwarto ng mga katulong. Umuuga ang double deck sa ingay at mga impit kong iyak. Nakatitig siya sa mukha ko, pero hindi dahil sa mukha ko kundi sa mascarang suot ko ang mukha ng isang babae. Ganito siya kapag nakagamit ng droga, sa akin niya binubunton ang pangungulila niya kay Señorita Antonia at siya din ang dahilan kung bakit napariwara sa buhay si Alex. Sinasambayan niya ng pagsampal sa akin kaya tumatabing ang mascara saka niya ako hahawakan sa leeg at sasabunutan. Kapag minalas pa ay halos mamatay na ako sa kakasakal niya sa akin. “Putangina mo, Antonia! Lalaspagin kita ng bu.rat ko!” Sinigaw niya ang pangalan ng babae kahit minsan hindi ko pa nakita. Naroon rin ito sa New York at doon nagpatuloy sa pag-aaral ng medisina. Pagkatapos niyang makaraos, iniwan niya akong parang basahang itinapon sa sahig. Umalis siyang walang lingon, kasabay ng pagsara ng pinto na tila tuluyang pumatay sa natitira kong lakas. Ilang sandali pa, dahan-dahang bumukas ang pinto. Lumapit ang dalawang katulong, si Aling Rosa at Mila. Nanginginig ang mga kamay nila habang kinakalagan ang tali sa aking mga pulso at bukung-bukong. “Diyos ko, hija…” bulong ni Aling Rosa, nangingilid ang luha. Hindi ko na napigilan ang hikbi. Bumuhos na naman ang iyak ko nang walang pigil. Inalalayan nila akong maupo sa kama. Tinakpan ni Mila ang balikat ko ng kumot, para bang may maitatabing dignidad kahit kaunti. Hinaplos ni Aling Rosa ang likod ko nang marahan at paulit-ulit. Iyak ako nang iyak habang mahigpit ang kapit ko sa kumot. “Mukhang madadagdagan na naman ang mga pasa mo.” Ramdam ko ang mga awa nila sa akin pero kung ako mismo na asawa ay walang magawa paano pa silang katulong lamang? Nakatulog ako sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Paggising ko ay umaga na at parang walang nangyari kagabi. Pinagtimpla ko siya ng kape habang nagbabasa siya ng diyaryo dito sa veranda. Pero inis niya itong nilapag na padaskol sabay tayo. Para siyang hangin na dumaan lang sa paligid ko. Kinuha niya ang bag at susi ng kotse niya saka lumabas ng bahay. Pagka-alis ng sasakyan niya ay saka ako tiningnan ang diyaryong binasa niya. Headlines: Billionaire Conrad and rumored girlfriend seen dining in New York Napako ang tingin ko sa litrato ni Antonia. Kahit itim-at-puti lang ang kuha, hindi maitatanggi ang ganda niya, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, at may anyong sanay mahalin at ipaglaban. Doon ko tuluyang naunawaan kung bakit baliw na baliw si Alex sa dati niyang nobya. Paano ko nga ba siya masisisi kung ganito kaganda ang babaeng iniwan niya sa nakaraan? Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa tabi niya. Si Conrad. Kilala siya sa buong mundo lalo na sa larangaran ng Football at isa ring Surgeon. Idol na idol siya ng kapatid ko kaya natuto na rin maglaro ng football kahit 10 years old pa lang. Bahagyang nakatagilid ang mukha nito at natatakpan pa ng maitim na shades. Hindi ko makita nang buo ang itsura niya, ngunit sapat na ang hulma ng matangos niyang ilong at ang perpektong ngipin na bahagyang sumisilip sa ngiti niya para mapansin ang kakaibang presensya nito. Para siyang lalaking hindi kailangang magpakilala kusang ibinibigay ng mundo ang atensyon sa kanya. Dahan-dahan kong inilapag ang diyaryo sa mesa. Ayokong magtagal sa balitang iyon, parang wala akong karapatang titigan pa. Kinuha ko ang basahan at timba, saka nagsimulang maglinis ng buong bahay. Pinunasan ko ang mga alikabok, inayos ang mga kasangkapan, nilinis ang bawat sulok. Kahit asawa ako ni Alex, patuloy pa rin akong kumikilos na parang isa lamang katulong sa mansion. Alam naman ng lahat na ito naman talaga ang buhay na nakasanayan ko. Bago pa man ako maging asawa ni Alex, isa na akong tagasilbi sa bahay na ito. At kahit nagbago ang apelyido ko, parang wala ring nagbago sa akin. Pareho pa rin ang papel ko. Pareho pa rin ang katahimikan ng pagdurusa. Matapos kong linisin ang buong bahay, agad kong kinuha ang bayong at lumabas para mamalengke. Naiwan sina Aling Rosa at Mila sa kusina sila na ang bahalang magluto at maglaba. Sanay na kami sa ganitong hatian ng gawain. Walang nag-uutos sa akin, kusa ko itong ginagawa, parang hindi pa rin ako ang may-ari ng apelyidong dala ko ngayon. Gulay, bigas, kaunting isda—mga bagay na sapat lang para sa araw-araw. Iniiwasan kong tumingin sa mga mamahaling bilihan. Hindi ko kailangan ng luho. Hindi ko rin alam kung kailan ako hihingi, o kung may karapatan ba akong humingi dahil palaging sumbat ang naririnig ko kay Alex kapag lumalagpas kami sa budget. Pagsapit ng hapon, dumiretso ako sa lugar na mas tahimik at mas gugustuhin ko pang tumira kasama ang lola at kapatid ko. Sa sementeryo… Buhay pa man si Lola pero ang mundo niya ay kasama ng mga yumao. Libingan iyon ng mga mayayaman malalaking puntod, marmol na sahig, at mga pangalan ng pamilyang hindi ko kailanman magiging kauri. Si Lola Pasing ang tagalinis doon. Araw-araw siyang nagwawalis sa pagitan ng mga nitso, nagbubunot ng mga damo, at minsan ay naglilinis ng mga lapida na bihirang dalawin ng mga buhay. Buwan-buwan ay may sahod siya. Hindi man malaki, pero nakakatulong rin sa pangangailangan kahit papaano. Pero kahit ganoon, umuuwi pa rin ako sa kanya. Dito rin ako lumaki at nagdalaga hanggang sa ikinasal ako kay Alex. Pagdating ko, nadatnan ko siyang may hawak na walis, bahagyang nakayuko habang nililinis ang paligid ng isang puntod. Ngumiti siya nang makita ako, parang walang bigat ang buhay niya kahit sa ganitong lugar siya nagtatagal. “Dumating na ang apo ko,” sabi niyang nakangiti. “Mano ho, Lola.” Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa noo ko saka ko siya niyakap. Miss na miss ko si Lola mag-dadalwang buwan rin hindi ako nakadalaw kasi halos hindi ako mawalan ng pasa. Tinaon ko lang talaga na may pasok sa ekswela ang kapatid ko para hindi niya mapansin. Si Lola naman kasi ay hindi na halos mapansin ang balat ko. Iniabot ko sa kanya ang mga pinamili kong grocery, bigas, delata, kaunting kape at asukal. Maliit lang iyon, pero alam kong malaking bagay na para sa kanila. “Hindi mo na sana inabala ang sarili mo,” sabi niya, pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa bayong. Ngumiti ako, kahit masakit ang dibdib ko. “Kumusta ka naman sa bago mong buhay, apo?” mahinahong tanong ni Lola. “Nasaan ang asawa mo? Bakit hindi mo kasama?” Napayuko ako sandali bago sumagot. “Busy po sa opisina ’la,” mahina kong sabi. Dahan-dahan niyang ginap ang kamay ko at ngumiti. Kulubot man ang balat niya, ramdam ko ang init at lambing na matagal ko nang hinahanap. “Siguro mahal na mahal ka ng asawa mo,” sabi niya. “Sa ganda mong ’yan, apo, tiyak na hindi ka na niya pakakawalan. Kaya nga pinakasalan ka, ’di ba?” Parang may kumurot sa dibdib ko. Muntik na akong maiyak, pero pinigilan ko. Sa halip, ngumiti ako iyong ngiting sanay na akong isuot para pagtakpan ang katotohanan. Dahan-dahan akong tumayo at inilapag ang mga grocery sa maliit na lamesa sa tabi niya. “Opo naman, Lola,” pilit kong sabi. “Siya nga po ang nagsabi na bisitahin kita ngayon at dalhan ka ng pasalubong.” Kinagat ko ang labi ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko luha ng pagsisinungaling, luha ng takot. Ayokong makita niya ang katotohanan. Ayokong masaktan siya dahil sa buhay na pinili kong pasukin. Mas mabuti nang ako na lang ang magdala ng sakit lalo na ngayon matanda na ang lola ko. Mas mabuti nang maniwala siyang masaya. “Siya nga pala apo, nagpunta rito si Lucinda at pinapaabot na darating daw ‘yung kaisa-isang apo ng mga Del Carmen si Senyorito kaya pinapatawag ako sa mansyon para may tagaluto.” “Ano po? Eh Lola matanda na kayo hindi n’yo na kaya pang magtrabaho. Wala ba silang mahanap na katulong?” Napalingon ako agad dahil bigla akong nainis. 85 years old na si Lola wala silang awa sa matanda ilang dekada nanilbihan sa kanila. “Hindi naman mabigat ang trabaho roon sa mansyon apo… saka hinahanap daw ako ni Senyorito Conrad. Gusto niyang ako ang magtimpla sa lulutuin para sa kasal niya kay Antonia! Mababait ang mga Del Carmen apo hindi mo lang sila naabutan kasi doon na sila nanirahan sa ibang bansa. Ngayon lang uuwi para sa kasal ni Conrad at Antonia.” “Antonia?” Si Antonia na ex girlfriend ng asawa ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
789.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
25.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
561.9K
bc

Dominating the Dominatrix

read
53.0K
bc

The Lone Alpha

read
123.3K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook