Kabanata - 4

1566 Words
SUMAKIT ang buong katawan ni Cassandra habang nakahandusay siya sa gitna ng daan. Kumalat ang laman ng eco bag gumulong ang sibuyas, mga prutas at nabasag ang itlog. Pero mas masakit ang hilo sa ulo niya, ang gutom na tila sinusuntok ang sikmura niya mula sa loob. “C—Cassandra?” Napamulat siya ng mata kahit sobrang hilo ng pakiramdam niya. Ngunit nang bumungad sa kanya ang guwapong mukha ng lalake ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Parang may humila sa alaala niya pabalik sa nakaraan. “B—Bitawan mo ako. Ayos lang ako—” “No. You’re not okay!” mariin nitong putol sa sasabihin niya. Pero pinilit niyang tumayo ngunit kusang bumibigay ang mga tuhod niya. Mabilis siyang nasalo ni Conrad. Ang kamay nito ay nakahawak agad sa baywang niya. Nanindig ang mga balahibo niya sa muling pagkakadikit nila at ng lalaking pinipilit niyang ibinabaon sa limot. “Damn it, Cassandra! Hanggang ngayon ang tigas pa rin ng ulo mo!” Hindi siya nakapagsalita dahil binuhat na siya ni Conrad. Yumuko ito kaya bago pa magtagpo ang mga mata nila ay umiwas siya ng tingin. Batid niyang pinagmamasdan siya ni Conrad kaya nahihiya siya. Hiyang-hiya siya kung bakit sa dami ng mga pagkakataon na puwede silang magkita ngayon pa kung kailan ang lusyang-lusyang niya. Ni ang panuklay ay hindi niya nagawa kanina tinalian niya lang ang buhok niya. “Napakagaan mo parang kang papel. Kumakain ka pa ba?” Hindi na siya nagsalita hanggang naipasok na siya sa sasakyan. Pagkarating sa Santa Clara Private Hospital, hindi na nag-atubiling tumawag si Conrad ng mga nurse. Kilala siya hindi lang sa pangalan kundi sa reputasyon bilang may-ari ng pribadong ospital at agad nagbukas ang pinto para sa kanya. Dali-daling lumapit ang dalawang nurse at sinuri ang pagkakabangga ni Cassandra. Napansin agad ang bahagyang pasa sa braso, kaunting sugat sa tuhod, at ang pilay ng kanyang pagkakatumba. Limang doctor agad ang lumapit at halos lahat sila ay nag-uunahan sa pagtulong sa pasyente. Dinala nila sa Emergency Room si Cassandra pero pagdating doon ay nasal abas lang si Conrad. Bilangi sang may-ari at surgeon rin ng hospital ay kailangan pa rin niyang sumunod sa mga protocol kaya nandito siya sa labas naghihintay. “Please, do everything you can to save her!” Bakas ang sobrang pag-aalala ng doctor. Palakad-lakad siya sa labas at ang mga staff naman ay para silang hindi makahinga sa biglang pagdating ng owner nitong hospital. Ilang sandali pa ay lumabas ang dalawang doctor at agad na kinausap si Conrad. “She’s stable for now.” “For now?” tanong ni Conrad. “She has multiple bruises, Conrad.” Singit ni Dr. Miller ang pinakamatanda sa serbisyo at naging doctor pa ng pamilya. “Hindi basta-basta ang mga pasa niya. Some are recent. Some aren’t.” “What?” hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya napansin kanina dahil sa mahaba ang palda ni Cassandra at may balabal pa ito. “Her body is weak. She’s severely malnourished. Her vitals didn’t happen overnight. She hasn’t been taking care of herself for a long time.” “What does that mean?” biglang nakaramdam ng awa si Conrad at napatingin pa ito sa pinto ng ER. “It means her body doesn’t have the strength it should. Even a moderate impact would be dangerous in her condition. Healing will be slower. Complications are more likely.” Napasuklay sa buhok si Conrad gamit lamang ang kanyang palad. Hindi niya nagugustuhan ang mga report ng mga doctor tungkol kay Cassandra. “Is she… out of danger?” “For now, she’s stable,” Dr. Miller replied. “But she’s fragile. Physically and judging by her state—possibly emotionally as well.” “Tinanong namin siya pero pilit nagsisinungaling ang pasyente. Yung mga pasa niya daw ay nakuha niya sa pagkabunggo minsan sa pagkadulas. But you know… in my professional opinion, she’s being abused. Umigting ang panga ni Conrad sa narinig. Kahit na hindi niya minahal ang dating asawa ay nag-aalala pa rin sa kalagayan nito at kahit minsan ay hindi niya ito sinaktan. “Please,” basag na tinig niya. “Don’t give up on her.” Pakiusap niya. Nangako ang mga ito na gagawin nila ang lahat para gumaling ang pasyente. Yung isang doctor naman ay kukuha ng magaling na psychiatrist para na rin tingnan si Cassandra kaya nagpasalamat si Conrad sa mga ito. Nagpaalam na ang apat na doctor pero napaiwan si Dr. Miller at saka siya nilapitan pa at tinapik ang balikat niya. Pumasok siya sa ER habang hinahanda ang room ni Cassandra. Nakatulog daw ito sabi ng mga doctor. “Is that Cassandra Manaloto?” tanong ni Dr. Miller “Yes.” Sagot niyang simple lang pero tila kaybigat sa dibdib. “Cassandra has always been kind;she used to help me during medical missions. She’s an excellent nurse kaya nagtataka ako bakit niya pinabayaan ang sarili niya. Mahal na mahal siya ng Lola mo. Pero anong nangyari, Conrad?” Malalim na humugot ng hininga ang binata. Sa totoo lang ay nagulat rin siya kanina. Pero hindi niya makalimutan ang magandang mukha ng ex-wife niya, lalo na ang nunal nito sa leeg na kaakit-akit. “After our annulment was granted Pinaalis ko siya sa bahay at itinira ko si Antonia. Then wala na akong naging balita pa sa kanya.” “Kung gugustuhin mo talagang makibalita sa ex-wife mo, maraming paraan. But anyway… kumusta naman kayo ni Antonia?” “After her baby died, marami ring nagbago, pinagdaanan pero imbes na maghiwalay kami ay kumapit kami lalo sa isa’t isa. That’s why I’ve made the decision to marry her, and we’re still trying to have a child. Even if it doesn’t happen naturally, there are still ways for us to make it happen.” Sang-ayon naman ang si Dr. Miller. Basta may pera lang ay madali nang magkaroon ngayon ng anak kahit hindi dumaan sa natural na pagbubuntis ng isang ina. “So kailan siya magigising?” baling ni Conrad kay Cassandra na nagpapahinga. “Anytime. Nakatulog lang siya mas mabuti nga at nakapagpahinga. Pero anong plano mo kay Cassandra? kapag malaman ito ni Antonia tiyak na magwawala ‘yon.” “Hindi naman alam ni Antonia na may naging asawa ako dati. Tatawag ‘yon mamaya kaya uncle kapag nagtanong si Antonia sabihin n’yong pasyente lang na aksidenteng nasagasaan ko.” “Okay.” Sagot ni Dr. Miller kaya nagpasalamat si Conrad. Lumabas muna ito at mag-lunch lang daw sila ni Antonia babalik daw ito mamayang hapon. Samantala… ay lingid sa kaalaman ni Conrad ay gising si Cassandra at rinig niya lahat kaya hindi nangilid ang luha niya sa gilid ng kanyang mga mata. Sumapit ang gabi at nakalipat na si Cassandra sa room na parang nasa mansion lang siya ni Alex. Nakangiti sa kanya ang nurse na may dalang mga pagkain. Napakadami ng mga pagkain at mga prutas. "Kanino po galing 'yan? napakarami naman po." Tanong niya. "Kay Dr. Conrad po, ma'am. Lahat ng ito at kumain po kayo pinadala daw ito galing sa mansion nila. On the way na rin daw po si doc." Sagot ng nurse. "Sige po. Kakain ako puwede bang iwan mo muna ako?" pakiusap niya. "Sure po. Enjoy your food." Sagot ng nurse. Nang makaalis ito ay dali-dali siyang nagbihis ng kaninang damit niya. Saka siya napalunok sa dami ng mga pagkain na halatang masasarap ay biglang kumalam ang sikmura niya. Mula noong pinaalis siya ni Conrad sa mansion ay 'yon na rin ang huli niyang natikman ang masasarap na pagkain. Pero kahit gaano man siya kagutom ay hindi siya tumikim kahit isang butil ng kanin. May nakita siyang ballpen at papel sa table kaya sinulatan niya agad. Conrad, I'm sorry at sa katangahan ko kanina naabala kita. Thank you dahil dinala mo ako dito sa ospital pero ayos lang ako." -Cassandra. Tumulo pa ang butil ng luha niya sa papel saka niya nilapag sa lamesa na makikita mismo ni Conrad. Saka na siya lumabas ng room at napakatahimik ng paligid. Maraming CCTV pero nakalabas pa rin siya nang maayos. Liliko sana siya pero natanaw niya ang mamahalang sasakyan ni Conrad at lumabas. Tumalikod siya agad at mabilis siyang naglakad. Hindi naman siya napansin ni Conrad dahil sa dami ng tao dito sa labas. Sumakay lang siya ng jeep pero hindi siya umuwi sa mansion ng asawa niya dahil baka sa pagkakataong ito ay mapatay na siya. Sa halip ay dumiretso siya ng sementeryo. Madilim at malamig ang paligid, pumasok siya sa loob. Napangiti siya nang matanaw ang bahay kubo ng lola niya at kapatid. Nakasinde sila ng lampara habang nagsusulat sa mismong nitso ng patay ang kapatid niya at si Lola naman niya ay nag-aayos ng mga basurang kinalakal nito. Napakagat siya sa ibabang labi at pinipigilan niyang umiyak. Pilit na nagsusumiksik sa utak niya ang sinabi ni Dr. Miller kanina na isa siyang mahusay na nurse. Oo, dati siyang mahusay na nurse. Pero dala ng pagluluksa niya noon sa baby niya, sa paghihiwalay nila ni Conrad ay nakapatay siya ng pasyente.Nawalan siya ng lisensya at muntik pa siyang makulong. Aksidente niyang napatay ang bata dahil sa maling dosage ng gamot, at si Alex ang tumulong sa kanya, pero kapalit noon ay ang pagpapakasal, at doon na nagsimula ang kalbaryo niya na hanggang ngayon ay nanatiling dagok sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD