Pagkatapos nilang kumain, halos hindi na makagalaw si Cassandra sa sobrang kabusugan. Hindi niya inaasahan ang dami ng inihandang pagkain ni Pedo at ng pamilya nito. Simpleng handa, pero punong-puno ng init at saya. Ngayon lang ulit lang siya nakakain ng ganitong luto ng manok. Masasarap din naman ang pagkain sa mansyon ni Conrad pero pagdating sa tinolang manok ay the best dito sa probinsya mas malasa ang manok dito kumpara sa Maynila. “Baby.” Boses ni Conrad. Napakunot ang noo ni Cassandra bago niya kinuha ang plastik. Pagtingin niya sa loob, bahagyang nanlaki ang mga mata niya mga gamit pambabae at may panty pa at bra na halatang galing din sa bayan. “Pinasabay ko kanina kay Pedo,” dagdag pa ni Conrad. Hindi niya napigilan ang mapangiti. “Thank you,” mahina niyang sabi. Sa totoo

