Nakatulog si Cassandra sa tabi ko. Mahinahon ang paghinga niya, at bahagyang nakasandal ang ulo niya sa upuan ng kotse. Ilang hibla ng buhok niya ang tumatabing sa mukha niya, natatangay ng mahinang galaw ng sasakyan. Dahan-dahan kong inayos ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya, marahang inilagay sa gilid. Saglit ko ring inayos ang posisyon ng ulo niya para hindi siya mahirapan habang natutulog. She didn’t wake up. Tahimik lang siya, tulad ng maraming sandali noon na hindi ko binigyang halaga. Sa harapan naman ng sasakyan, maingat na nagmamaneho ang driver. Halatang iniingatan niya ang bawat liko at preno, para hindi kami magambala sa likod. Alinsunod s autos ko. Sa passenger seat, halos hindi mapakali si Mack. “Kuya, tingnan mo ’yon! Ang taas!” excited niyang sabi habang nakat

