“Ano ba, Conrad!” Biglang nagmulat ng mata si Cassandra at agad akong tinarayan. “Akala ko nananaginip lang ako!” inis niyang sabi habang pilit na hinihila ang kamay niya. “Alisin mo na sabi ’to!” Napahinga ako nang malalim dahil ngayong gising na siya ay para na naman siyang dragon na anumang oras ay bubugahan ako ng apoy. Tumingin ako sa kanya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi doon sa posas na nagdudugtong sa kamay naming dalawa. Before I could even say anything, lumapit sa amin si Lola Pasing kasunod niya si Mack na agad sumilip sa amin na parang curious sa nangyayari. Napahinto si Lola Pasing nang makita kaming magkadikit ang aming mga kamay. “Ano ’ng nangyari at may posas kayo?” tanong niya, halatang naguguluhan. Napakamot ako sa batok ko. “Matigas kasi ang ulo niton

