PAREHAS sila kinakapos ng hininga nang kumalas sila sa isa’t isa pero si Cassandra ay habol pa ang hininga niya habang si Conrad ay nakakatitig sa kanya. Umiwas agad ng tingin si Cassandra. “Hindi ka pa rin marunong tumingin sa akin,” mahina ngunit mababa ang boses ni Conrad. Ganito pa rin siya mula noon kasi nahihiya siya. Hindi niya akalain noon na nakapangasawa siya ng katulad ni Conrad. Sinubukan niyang umurong, ngunit hinila siya ng posas pabalik. Bahagyang napasubsob siya sa dibdib ni Conrad. Agad siyang napatingala. Napakalapit ng mukha nito ngayon. Mas malinaw niyang nakita ang matalim na linya ng panga nito. “Conrad…” mahina niyang bulong. Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, gumalaw ang malayang kamay ng lalaki. Dahan-dahan nitong hinawakan ang baba niya. Ayaw niy

