HUMUGOT ng malalim na hininga si Cassandra habang nakatayo sa gitna ng malawak na kwarto ni Conrad. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Pero batid niyang mas ligtas sila ng sampung beses dito sa puder ni Conrad kaysa kay Alex na dalawa lang naman ang tauhan no’n. Isang driver at isang alalay niya kumpara kay Conrad na siguro ay aabot ng sampu ang mga guard. Wala pa doon ang mga kasambahay at driver nito at kanang kamay niya. Ngunit ang pinoproblema niya ay paano kung biglang dumating si Antonia at mangulo? Malalaman na ito ng Lola niya. “Ma’am Cassandra?” Napakurap siya sa mahinang katok na tawag ng isang kasambahay mula sa labas. Kahit hindi naman ‘yon naka-lock ay lumapit pa rin siya at pinagbuksan niya ito ng pinto. Ngumitia gad sa kanya ang kasambahay. “Pinapabigay po

