“Does it matter, Conrad? I’m a married woman, now.” “Hiwalayan mo siya. Para—” “Hihiwalayan ko ang asawa ko para sa ex -husband kong pinagpalit ako sa dream girl niya? ganoon na ba ako katanga sa paningin mo, Conrad?” Hindi nakapagsalita ang doctor at para siyang sinampal sa magkabilaan ng kanyang pisnge. Nahiya siya bigla kay Cassandra. “Tara na, nagugutom na rin ako.” Saad niya. Tumango-tango si Conrad at sinabihan ang driver na bilisan sa pagmamaneho. Pagdating nila sa mamahaling restaurant, bahagyang napapikit si Cassandra sa liwanag at ganda ng lugar. Hawak pa rin ni Conrad ang kamay niya, hindi na lang siya nagreklamo. Kakaupo pa lang nila nang biglang matigilan si Conrad. Ang mata niya ay nakatingin sa pinto ng restaurant halatang nakita niya ang isang pamilyar na mukha.

