Chapter 9

1267 Words
"Where have you been all my life?" seryosong tanong ni Mattias. Nakatitig siya sa mukha ni Lady Abby. Nakaunan sa braso niya ang dalaga, nakapikit ang mga mata habang nakayakap sa katawan niya ang isa nitong braso. "Bakit ngayon lang nagkurus ang landas natin?" Bumuntong-huminga siya at pinisil ang palad nito. Tila nahuhulog na ang loob niya rito sa ilang oras na pagsasama nila. Naroon ang pagpupursige na mas lalo pang kilalanin ito. Walang plano si Lady Abby na imulat ang mga mata niya. Oo, medyo masakit ang gitnang bahagi ng kaniyang hita, pero nakaramdam siya ng kapayapaan sa bisig ng estrangherong lalaki na ilang oras niya pa lang na nakilala. Kapayapaan na matagal na niyang inaasam at gusto niyang namnamin ang mga sandaling iyon. Hanggang sa makatulog siya ay naroon si Mattias sa kaniyang tabi. Lagpas alas siyete ng umaga nang magpasyang bumangon si Mattias. Naririnig niya na kasi ang mahinang paghilik ng dalaga tanda na tulog na ito. Hindi na siya makatulog dahil maraming bagay ang gumugulo sa utak niya. Isa na roon ang anim na kalalakihan na pumasok sa bar kagabi at hinahanap ang dalaga. Kilalang-kilala niya ang mga iyon dahil mga tauhan iyon ng mahigpit na kaaway ng kanilang pamilya. Kinumutan niya muna ang hubad na katawan ng dalaga saka tinungo niya ang pinto ng walk-in closet. Matapos magbihis ay lumabas siya ng kuwarto pababa sa hagdan para alamin kung dumating na ang pinapabili niyang damit na isusuot ng dalaga. Hindi pa siya tuluyang nakabababa ng hagdan nang mapansin niya ang sariling ama na nakatayo sa tabi ng piano at matiim siyang pinakatitigan. "Sino ang babaing kasama mo?" tanong ni Don Ismael sa sariling anak. Mababanaag sa mukha nito ang galit. Sa lahat ng ayaw nito ay 'yong nagseseryoso ang anak pagdating sa babae. "Dad," wika ni Mattias nang makababa na. Napailing siya nang mapansin ang nanlilisik na mga mata ng ama. Alam niya na nagsumbong na ang guwardiya na may kasama siyang babae. "I...I am..." Tumaas na ang boses ni Ismael. "Sinong babaing bayaran na naman ang kasama mo? Ang sabi ko sa 'yo ay huwag na huwag kang magdadala ng babae rito. Mattias, hindi ka nakasisiguro sa babaing nadampot mo. Baka pakawala 'yan ng kalaban natin sa negosyo." "Dad..." "Anong malay natin kung pinaiimbestigahan na tayo ni Redentor!" tukoy nito sa lider ng kalabang grupo. "That won't happen, dad. 'Yong babaing kasama ko ay malayong-malayo sa iniisip ninyo. Actually pinaghahanap siya ng grupo ni Don Redentor." Dumiretso siya sa mini bar saka kumuha ng baso at nagsalin ng alak. Matapos sumimsim niyon ay nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Hula ko ay isa siya sa mga nakatakas na bihag ng grupo na 'yon." "Paano mo nasabi, anak?" "Nagpunta sa bar kagabi ang mga tauhan ni Don Redentor at nagkataong naroon si Gail." "Gail?" Nakakunot ang noo ni Don Ismael. "Yeah. That's her name, dad." Ngumiti siya at muling sumimsim ng alak. "Nakita siya ng mga tauhan ni Don Redentor kaya tinulungan ko siyang makatakas sa mga iyon." Napailing ito. "Kawawang babae. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa mga kamay ni Redentor." "Mismo, dad. Katunayan marami siyang pasa sa katawan." Kumuyom ang isang kamao ni Mattias. "Hindi ko lang masiguro kung sila nga ang may gawa niyon kay Gail. But damn! Pagbabayarin ko sila kapag nalaman ko na sila nga ang bumugbog sa kaniya." "Gail," ulit ni Don Ismael sa pangalan na ibinigay ni Mattias. Natigilan ang don, waring may naaalala siya sa pangalang iyong. "Magandang pangalan." Tumango lang si Mattias at nagpaalam na lalabas muna para tanungin ang tauhan na inutusan niya kaninang madaling araw. Mag-aalas nuwebe na ng umaga at kailangan niya ang mga damit na pinabili dahil baka magising na si Lady Abby. Ayaw niyang paghintayin ito. Nadismaya siya nang malamang wala pa ang pinabibili niya. Bumalik na lang siya sa loob ngunit hindi niya inaasahan ang panenermon ng ama. Ang akala niya ay nakaligtas na siya. "Nagkagulo sa bar kagabi," saad nito. Nakaupo na ito sa sopa at may hawak na baso na nangangalahati ang laman na alak. "Nasaan ka sa mga oras na iyon?" "Dad." Bumuntong-huminga si Mattias. Alam niya na pagagalitan talaga siya ng sariling ama kapag nalaman nito na nakipaghabulan siya sa mga armadong lalaki. "Ang sabi sa akin ng guwardiya ay madaling araw ka na nakauwi kasama ang babaing iyon. Saan kayo nagpunta? Huwag mong sabihin na nakipagbarilan ka sa mga iyon?" "No, dad," nanghihina niyang sagot saka naupo sa bakanteng sopa. Nagdadalawang-isip man ay sinabi na niya ang lahat ng nangyari tutal ay malalaman din naman ng kaniyang ama. Mas mabuti na sa kaniya mismo nito malaman. "Ano?" "Iyon ang nangyari kagabi, dad. Nalagasan ang grupo nila kaya sumugod sa bar para makaganti. At iyon nga naka-engkuwentro nila ang mga tauhan ni Don Redentor." Kumunot ang noo ni Don Ismael kasabay ng pagkuyom ng kabila nitong palad. "Tapos sa atin isisisi ni Redentor ang nangyari." Nagmura ito. "Kahit kailan talaga mautak 'yang si Islao." Tumiim ang mga bagang ni Mattias. Hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan ang ginawa sa kaniya ni Islao ilang buwan na ang nakalilipas. Gaganti siya kapag nagkurus muli ang kanilang landas. "Lintk lang ang walang ganti, dad," mura niya saka tinungga ang natitirang laman ng baso. "Maghaharap pa rin kami at sisiguraduhin ko na luluhod siya sa aking paanan." Napangiti si Don Ismael. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, anak. Matapang at hindi padedehado sa gag*ng iyon. Alalahanin mo na ang Islao na 'yon ang maaaring humalili kay Redentor. Alam naman natin na walang anak si Redentor kaya natitiyak ko na ngayon pa lang ay pumapapel na si Islao." "Kailangan ng putulin ang sungay ng taong iyon dahil natututo ng manuwag." Kumuyom ang kamao ni Mattias. Dating kasapi ng kanilang grupo si Islao. Bumaliktad ito at sumapi sa grupo ni Don Redentor nang hindi mapagbigyan sa mga kagustuhan nito. Magkasing edad sina Islao at Mattias, parehas matapang at hinubog para sa hangarin ng kani-kanilang grupo na kinabibilangan. Ngunit ang hindi alam ng mag-amang Don Ismael at Mattias ay may natatanging tagapagmana si Don Redentor. Itinago at hindi ipinakikilala sa madla para na rin sa kaligtasan nito. At iyon ang isang lihim na hanggang ngayon ay pinakaiingat-ingatan ni Don Redentor na huwag mabunyag sa publiko lalo na sa mga kalaban nito sa negosyo. Nang dumating ang tauhan dala ang damit na ipinabili, ay nagpaalam na si Mattias sa ama. Umakyat siya sa sariling kuwarto ngunit nagulat siya nang mapansing wala na sa kama si Lady Abby. Narinig niya na lang ang lagaslas ng tubig sa banyo tanda na naliligo na ito. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Mattias nang mapansin ang bahid ng dugo sa puting bed sheet. Walang duda na birhen ang babaing dinala niya sa mansiyon ng mga magulang. Siya ang nakauna at sapat ng patunay ang dugo roon. Inilapag niya sa ibabaw ng kama ang ilang shopping bag na naglalaman ng mga gamit pambabae. Wala siyang alam pagdating sa ganoon dahil ngayon lang siya nag-utos magpabili ng ganoong klaseng gamit. Dati kasi kapag may isinasama siya na babae ay basta niya lang iniiwan pagkatapos ng mainit na sandali. "Hey," wika niya nang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa niyon si Lady Abby na nakatapi ng tuwalya. Natulala na naman siya sa angking kagandahan ng babae. Bahagyang nakaawang ang labi nito na tila naghihintay na mahalikan. Hindi na siya nagdalawang-isip pa, naglakad siya papalapit sa dalaga at agad na inangkin ang labi nito. "Can't get enough of you, Gail sweetheart," usal niya sa pagitan ng mga halik. Nababaliw siya sa kagandahan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD