"I think I am falling in love with you," usal ni Mattias matapos ang mainit na sandali. Nakadapa sa dibdib niya ang kalahati ng katawan ni Lady Abby. Ang halikan nila kanina ni Lady Abby ay nauwi sa kama at ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili na sabihin dito ang kasalukuyan niyang nararamdaman. Gustong-gusto niya ang dalaga. Mahigpit ang pagkakayakap niya rito at tila ayaw na niya itong pakawalan. Sa ilang oras nilang pagsasama ay binago nito ang pananaw niya sa buhay. "Please say something, Sweetheart." Hinaplos niya ang mahabang buhok ni Lady Abby pababa sa hubad nitong likod. Bumaba pa ang kamay niya sa kabila nitong pang-upo saka marahang pinisil iyon. "I want to hear your voice." Napangiti si Lady Abby habang nakapikit ang mga mata. "I have nothing to say, Matt." Paos pa rin

