Chapter 43

1066 Words

Inilapag ni Islao sa coffee table ang dalang brown envelope. Kagigising lang ni Lady Abby at hindi nito inaasahan ang pagdating ng lalaking kinaiinisan. Humihikab pa siya nang maupo sa sopa na katapat ng kinauupuan ni Islao. "What is that?" Kinusot ni Lady Abby ang mga mata. "Makakain ba 'yan?" Pamimilosopo niya. "If you want, puwede naman," sarkastikong tugon ni Islao. "Get it and see for yourself. Baka mabusog ka kapag naubos mong kainin 'yan." Hinablot niya ang brown envelope at tiningnan ang laman. Dalawang magkaibang larawan ang naroon. Natigilan siya nang mabasa ang detalye ng bawat larawan. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon. Kailangang itumba ang mga taong iyon. Pasalya niyang ibinalik sa ibabaw ng coffee table ang brown envelope matapos niyang pasadahan ng tingin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD