Nasa condo pa rin ni Lady Abby si Islao. Kasalukuyan silang nagpaplano kung ano ang gagawin sa dalawang assassin nang tumawag si Don Redentor. Halata ang kasiyahan sa boses ng don. "Tandaan mo, Islao," saad ni Don Redentor sa kabilang linya. "Kailangang malinis ang pagkakagawa mo. Birthday bukas ng anak ni Ismael at ang ulo ng dalawang assassin ang regalo natin sa kaniya." "Areglado, Boss Red," tugon ni Islao kahit medyo kinakabahan. Magkatapat ang kinauupuan nila ni Lady Abby at nagpapasalamat siya na hindi nito narinig ang pangalan ng mag-ama na tinutukoy ni Don Redentor. "Sige po, boss. Hintayin n'yo na lang ang magandang balita bukas." "May bonus ka sa akin kapag nagawa mo ang pinapagawa ko sa 'yo." "Maraming salamat, boss." Ibinaba na nito ang cellphone. "Anong sabi ni papa?" "

