Nang gabing iyon at tumulak sila ni Islao patungo sa Amore Bar na pag-aari ni Perry Roccia. Lihim siyang humihiling na sana ay naroon si Andrew nang hindi na siya mahirapan pa sa paghahanap. Kailangan na niyang isagawa ang plano habang hindi pa nakakauwi ng bansa ang Mommy Linda niya. Bumungad sa kanila ang maingay, magulo at halo-halong amoy ng mga tao. Paroo't parito ang mga waiter para pagsilbihan ang mga parokyano. Sa mini stage ay naroon ang isang banda; ang vocalist ay bigay na bigay sa pagkanta ng isang rock music habang ang mga tao ay sumasayaw na may halong pagsigaw. "Let's get loud, guys...!" sigaw ng vocalist ng banda saka tumalon at nagpatuloy sa pagkanta. Tinakpan ni Lady Abby ang magkabilang tainga dahil naririndi siya sa ingay. Oo, sanay siya sa ingay pero hindi niya gus

