Tahimik si Lady Abby habang nakasakay sa kotse ni Andrew. Pangiti-ngiti naman ang huli habang nagmamaneho. Pasipol-sipol pa ito na para bang may nangyaring maganda sa pagpunta sa Amore Bar. "How far is your house, Andrew? You have been driving for almost an hour." "We are near, baby." Pinisil nito ang kaliwang hita ng dalaga. "Just be patient." Pasimpleng kinuha ni Lady Abby ang cellphone saka nagpadala ng mensahe kay Islao. Kailangan niya ng back-up in case na hindi siya makalabas sa bahay ni Andrew. Sa mahigit isang oras na pagkakakilala niya sa lalaki ay napatunayan niya na may pagkamanyak ito. Kailangan niyang magtagumpay sa pagpatay kay Andrew dahil kung hindi ay siya ang papatayin nito. Samantala ay nakasunod si Islao sa minamanehong kotse ni Andrew. Panay mura ang lumalabas sa b

