Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Islao. Nagngangalaiti sa galit si Lady Abby dahil sa ginawa nitong paghalik sa kaniya. Diring-diri siya sa labi nito. Kahit kailan ay hindi niya pinangarap na mahalikan ng lalaking amoy sigarilyo. Nasusuka siya. "Walanghiya ka! Wala kang karapatan na halikan ako." Itinutok niya sa mukha nito ang hawak niyang baril. "Papatayin kita." Ngumisi lang si Islao at agad na hinawi ang baril na nakatutok sa sariling mukha. "You can't do that, Lady Abby. Alalahanin mo na may utang ka pa sa akin. Sa oras na patayin mo ako, ay sasabihin ni Bornok sa ama mo ang relasyon mo sa lalaking kasama mo sa bar ilang linggo na ang nakararaan." "Quits na tayo, Islao. Alalahanin mo rin na patay ka na sana ngayon kung hindi ko sinipa ang kamay ni papa. Don't worry,

