Chapter 31

1016 Words

"D*mn!" Hinampas ni Mattias ang mesa gamit ang kabilang kamao. Galit na galit siya sa natanggap na balita. "Paano nangyari 'yon? First class assassin si Andrew. Napatay siya nang gano'n na lang?" Alas siyete pa lang ng umaga at naroon siya sa hardin kaharap ang ama habang nag-aalmusal. Kaninang madaling araw ay tumawag sa kaniya si Andrew at nanghihingi ng tulong. Hindi naman siya naniwala sa sinabi ng huli dahil kilala niya itong mahusay sa baril. Isa rin itong black belter kaya panatag ang loob niya na kaya nitong ipagtanggol ang sarili laban sa anumang pag-atake. "Boss Mattias," saad ni Tabs na nakatayo lang sa tabi kasama ang dalawa pang tauhan ni Don Ismael. "Wala ng buhay si Andrew nang madatnan namin. Nakalutang siya sa swimming pool at maraming tama ng bala sa iba't ibang bahagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD