"I...I am sorry," saad ni Neri mayamaya. Nakatingin lang ito sa sahig, nanginginig ang boses at takot na takot. "Hindi ko alam na ikaw ang girlfriend ni Matt. I...I was...I thought..." Hindi na nito masambit pa ang iba pang nais na sabihin dahil pinatigil ito ni Don Ismael. "Just tell the truth, Neri." Kalmado ang boses ng don, pero naroon ang inis dahil matalim nitong tinitigan ang babaing kanina pa nanginginig sa takot. "You have no idea how much damage you have done." "I...am really sorry, Sir." Hindi ito makatingin sa don, subalit mayamaya ay unti-unti nitong itinaas ang paningin hanggang sa magsalubong ang kanilang paningin ni Lady Abby. Kumunot ang noo ni Lady Abby. Parang pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae. Parang nakita na niya ito subalit hindi niya matandaan kung saan. "H

