Alas kuwatro nang madaling araw ay binabaybay ni Lady Abby ang daan pauwi sa kanilang mansiyon. May mangilan-ngilan ng sasakyan sa kalsada subalit hindi iyon naging hadlang sa mabilis niyang pagpapatakbo ng motor. Para siyang nakikipagkarera dahil atat na atat na siyang umuwi para giyerahin si Islao. Matibay ang kaniyang ebidensiya na ito ang nagbayad kay Neri para halikan si Mattias sa harapan niya. Kanina lang niya naalala na si Neri ang kasama ni Islao nang minsang magpunta siya sa pagmamay-ari nilang rancho at naroon ang babae na animo'y isang heredera kung umasta. Kararating lang niya noon sa rancho at nasa kuwarto siya para magbihis nang mula sa bintana ng kaniyang kuwarto ay natanaw niya na nangangabayo si Islao kasama si Neri. Ang ikinaiinis niya ay sa dinami-dami ng kabayo sa r

