Napaangat ang ulo ni Amara nang marinig ang daddy niya. Nasa veranda sila ni Hope at parehong busy sa mga laptop nila. “Hindi naman kaya magmukha na tayong flower shop nito? Inaraw-araw talaga. Anak, may bisita ka.” “Good evening.” Nakangiting bati ni Brad sa kanilang mag-pinsan. Nakasunod sa mga ito ang dalawang kasambahay nila na may bitbit na mga basket ng bulaklak. “Diyan niyo na lang ilagay.” Sabi ng daddy niya sa mga ito. Ibinaba ng mga ito ang apat na basket sa tabi ng lamesang inuupuan nila ni Hope. “Thank you sir. Para nga po pala sa inyo ni tita Stacey. Padala po ng mama.” Magalang na sabi nito bago iniabot ang isang malaking paper bag. Sa isang kamay, may hawak itong isang mahabang kahon na mukhang bulaklak din. Bahagyang kunot ang noo, kinuha naman ng daddy niya ang p

