(After more than half a month) What else can Amara ask for? Bumawi talaga sa kanya si Brad. Gabi-gabi siya nitong dinadalaw. Wala na talagang mapaglagyan ng bulaklak ang malaking bahay nila kaya puro prutas naman ang mga dinadala nito. Tuwang-tuwa naman ang mga kasama nila sa bahay pati ang driver at mga bodyguards nila dahil pinapauwi ang mga prutas ng magulang niya para sa mga pamilya ng mga ito. Hindi din ito nawawalan ng pasalubong para sa mommy at daddy niya. Nung una malamig pa din ang pakitungo ng daddy niya pero lumambot na din ito kahit papaano. Nakita naman ng daddy niya that Brad is really doing everything para matanggap nito. Nakatulong pa ang madalas na paglabas ng daddy niya with her tito Blake. May pakiramdam siya na nabibigyan ng advice ng asawa ng tita Heather niya ang d

