"Ano ba?!" Amara hissed nang basta na lang siya ibinaba ni Brad and pushed her inside his car. Bago siya makaangal ulit, he leaned forward. Galit na hinawakan nito ang baba niya para ilapit sa mukha nito. "Don't you f*****g piss me more babe kung ayaw mong gahasain kita kahit dito sa kotse!" sabi nito na nagtatagis ang bagang. Napalunok siya. Lumipad ang tapang niya. Galit na galit ito at hindi siya pwedeng magpatuloy na makipag-away dito. Alam niya na gagawin nito ang sinabi. Bago pa siya makapagsalita o makakilos, pinakawalan nito ang baba niya. Tumuwid ito at isinarado ang pintuan. Nanginginig ang kamay na isinuot niya ang seat belt. Kilala na niya ito. Kapag galit ito, mabilis itong magpatakbo. Bago pa makapasok si Brad sa kotse, sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.

