Chapter 36 Steven POV: Kitang-kita ko sa dalawa ang kasiyahan sa kanilang mukha. Nandito ako sa pinakadulo habang umiinom ng wine. Matalim na titig at umiigting ang aking panga dahil sa galit. Hindi ako galit kay Shamyka, bagkus, kay Tyler kumukulo ang dugo ko. Gusto n'ya talagang angat siya sa lahat. Pati yung dalaga, inagaw niya sa akin. Yes, I love Shamyka. Hindi ko alam kung pa'no o kailan ko siya minahal. But damn it! Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko s'yang masaya nang dahil kay Tyler. And I want to stop it as much as possible. Kung kailangan kong daanin sa dahas ang lahat, gagawin ko. Makuha ko lang si Shamyka. "Enjoy.", tipid na bigkas ko habang nakangisi. Nilagay ko ang wine na iniinom ko sa mesa at tumungo palapit sa pwesto nila. Nakababa na sila ng stage, kaya

