Chapter 37 Shamyka's POV: Nagising ako dahil sa ingay at usapan mula sa labas. Gusto kong tumayo at tumakas pero hindi ko magawa dahil nakatali ang kamay at paa ko. Hindi rin ako makasigaw dahil sa tape na bumalot aking bibig. Pinilit kong alalahanin, kung paano ako nakarating dito. Kaso base sa naalala ko, si Tyler ang dahilan kung bakit ako napunta sa ganitong lugar. Oo, si Tyler nga! Si Tyler na akala ko, kilala ko na. Na akala ko, totoo ang pagmamahal niya. But I was wrong. Dahil siya mismo ang dahilan kung bakit nararanasan ko 'to. Flashback: Matapos akong ipakilala ni Tito sa harapan ng mga estudyante bilang fiance ni Tyler, sa roof top kami tumungo ng binata. Nagawa pa naming makausap si Steven pero masyadong seloso ang lalaki, kaya agad kaming nakarating do'n. I fe

