Chapter 53 Shamyka's POV: NARINIG KO ANG LAHAT. Narinig ko ito galing mismo sa bibig ni Steven. Bumalik ako sa bahay, para sana kumuha ng tsinelas dahil nasira yung tsinelas na suot ko. Pero hindi ko lubos maisip na ito ang bubungad sa tenga ko. "S-shamyka, it's not what you think. Pinilit lang ako ni Tyler---", Hindi ko na pinatapos ang kasinungalingan niya, dahil malakas ko s'yang sinampal. "I heard everything. Walang labis, walang kulang.", madiin na saad ko. "L-let me explain, Shamyka.", pakikiusap nito sa akin. "Para saan pa? You lied to me. Naniwala ako sayo. Dahil akala ko, mabuti kang tao. Pero lahat pala ng pinakita mo, ikaw mismo ang nagplano!", pagsisigaw ko. Shit! I can't even control myself right now. Parang umakyat ang dugo ko papunta sa aking utak dahilan para

