Chapter 54 Shamyka's POV: We're on the way to Manila. Plano na naming ayusin at ilagay sa tama ang baluktot na pangyayari. Oo, kakasuhan ko si Steven dahil sa ginawa nito sa akin. Kahit may pangamba sa pagitan naming dalawa ni Tyler, we continue to think positive. Hindi dapat kami magpatalo sa kaba, lalo pa at nagiging komplikado ang sitwasyon namin. "Malapit na ba tayo, babe?", saad ko sa binata na ngayon ay naka-concentrate sa pagmamaneho. "I guess, isang oras na lang, makakarating na tayo sa Manila.", he just replied. Halata ko ang pagkaseryoso nito dahil sa higpit ng hawak niya sa manibela. "Tyler, calm down yourself. Magiging okay din ang lahat. Trust me.", bigkas ko muli para palakasin ang loob niya. Ngayon ko lang yata nakita ang pagiging ganito niya. And s**t! Hindi ako

