Chapter 47 Steven POV: "WALA PA BA ANG BRIDE? Kanina pa kami naghihintay. At nakakahiya kay Father na hindi pa dumarating si Shamyka.", saad ng babae na invited sa kasal namin. Hindi na rin ako mapakali habang nakatingin ako sa aking relo. Halos nangangalay na rin ang paa ko sa kakatayo dito. Kung tutuusin, mag-gagabi na, pero wala pa rin ang babae. Nagsi-alisan na rin ang mga tao, dahilan para makaramdam na ako ng inis. Ano ba talaga ang nangyari kay Shamyka? Kung umurong siya sa kasal, dapat sinabi niya agad. Hindi yung nagmumukha akong tanga dito. "Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka may nangyari ng masama sa anak natin.", rinig kong sabi ng mama nito. Saktong bumukas ang pinto ng simbahan at nakita namin ang driver nito na tumatakbo palapit sa aming gawi. Habol-hininga s

