Chapter 48 Shamyka's POV: Nagising na lamang ako dahil sa sakit ng likod ko. Ang tigas kasi ng hinihigaan ko at tila hindi ako sanay na matulog sa--banig?! Fuck! Banig nga! Kaya pala, ganito ang dulot nito sa katawan ko. Hays! Napadako naman ang tingin ko sa maliit na bintana, kung saan nakikita ko ang sinag ng araw. Nagawa ko na ring libutin ang mata ko sa bawat sulok ng kwarto na gawa lamang sa kahoy. "Teka, nasaan ako? Saan ba ako dinala ni Tyler?", tanong ko sa sarili. Pero bigla akong natigilan nang marinig ko ang tawanan mula sa labas. Sa boses palang, alam kong si Tyler ang nagpapatawa, samantalang tawa naman ng matanda ang umaapaw do'n. Kaya bahagya akong tumayo para silipin kung ano ang ginagawa nila. At mula dito, natatanaw ko na merong hawak si Tyler na--kamote? Oo,

