Chapter 49 Shamyka's POV: Malakas na tunog ng tambol ang s'yang narinig ko ulit sa kalagitnaan ng pag-iisip ko. Balak ko sanang tumakas sa kamay ni Tyler at bumalik ng Manila dahil tiyak hinahanap na ako nila mama. Pero paano? Paano ako makakaalis sa lugar na 'to? Ni hindi ko nga alam ang pasikot-sikot, para makalabas ng baryo. "MGA KABABAYAN, MAY PATIMPALAK NA MAGAGANAP MAMAYANG HAPON, SA MGA GUSTONG SUMALI, PUMUNTA NA LANG SA BASKETBALL COURT.", pag-aannounce ng isang lalaki gamit ang megaphone. Sinilip ko ito mula sa maliit na bintana, at nakita ko na may paradang nagaganap. Kahit papano, naibsan ang problema ko dahil sa mga bulilit na sumasayaw sa gitna ng kalsada. "Kap, ano po ba ang palaro natin?", sigaw ng isa. "Gaya pa rin ng dati. Pero dinagdagan ko lang ngayon, na

