Chapter 50

1130 Words

CHAPTER 50 Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa, at kahit sa paglilinis ng bahay, hindi ko pinalampas. Para sa gano'n, maging busy ako at hindi ko maisip si Tyler. Kaya lang si Ale, palihim n'ya palang sinusulyapan ang kilos ko. "Kung gusto mong mapanood ang boyfriend mo, nando'n lang ang basketball court. Sa gilid no'n, ginaganap ang laro sa putikan." pagtuturo nito sa daan. "H-hindi naman po ako manonood. Mas pipiliin kong tumulong dito kaysa mapanood ang taong 'yon.", bigkas ko sa matanda. "Kahit na. Nobyo mo pa rin siya. At alam mo ba, na kapag nanalo ang isang lalaki sa larong 'yon, may bulaklak na ibibigay sa kanya, para ibigay din 'yon sa babaeng gusto niya mapangasawa.", pagsasaad muli nito. Ewan ko ba, pero nagkaroon tuloy ng pangamba ang damdamin ko dahil sa sinabi ni Ale.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD