Chapter 39 Tyler's POV: "I'm very disappointed, Tyler." "--Pinagkatiwalaan pa naman kita para sa anak ko.", mahinahon na saad ng papa ni Shamyka. Kaming apat na lamang ang naiwan sa sala dahil pumasok na ang dalaga sa kanyang kwarto. At sa oras na 'to, nakatayo na rin si Steven habang hawak-hawak ang coat na pinasuot niya sa babae. "Tito, wala ho akong alam sa sinasabi ni Shamyka. Magkasama palang kami kanina tapos bigla siyang nawala. I also tried to asked my dad, pero ang tanging sabi niya, baka umuwi na siya. So here, mabilis akong nagparito para hindi ako mag-alala.", wika ko para maging malinaw sa magulang ng dalaga ang totoo. "I'm sorry. But for now, ang anak ko muna ang paniniwalaan ko." "--Kita mo naman, takot na takot siya, kaya sa tingin ko, tama ang sinusumbong niya."

