Chapter 40 Tyler's POV: Labing-pito kaming pumunta sa ruta nila Steven. Kung kalakasan ang pag-uusapan, nasisiguro ko na mas malakas ang gang namin. Marami silang alam pagdating sa pakikipagbakbakan, hindi katulad ng gang ng kapatid ko na puro panghahalay ng babae ang inaatupag nila. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob, nang marinig ko mismo ang boses ni Anton. Ang traydor kong kaibigan! Sa boses palang nito, mahahalata mo ang kasiyahan na umapaw sa damdamin niya. "Congrats tol! Milyonaryo ka na agad!", bigkas ng isa nilang kasamahan. Nagtawanan ang mga ito na animo'y lasing na lasing sila. "Oo nga eh! Malapit ko ng mabili ang gusto kong lupain.", wika ng binata. "Kita mo na? Ganyan si Steven sa mga tapat sa kanya! Kung matagal ka ng nandito sa amin, siguro, mas malaking per

