"Liam, sa'n ba kasi tayo pupunta? Bakit naka-blindfold pa ako?" "Relax, my sweet. Malapit na tayo." Sembreak na ni Rian at bigla na lang siyang piniringan ni Liam kanina kaya naman hindi niya alam kung saan sila papunta. Ang tanging naririnig niya lang ay ugong ng makina at parang lagaslas ng tubig. Nasa bangka ba kami? tanong ng isip ng dalaga. Mayamaya ay naramdaman niya ang paghatak sa kanya ng katabi papahiga. Lumapat ang kanyang likod sa isang malambot na kutson. Bahagya siyang napapitlag nang marinig ang bulong ni Liam sa kanyang tainga. "I think you'll like it there, kitten." "Saan nga kasi tayo pupunta?" Kahit nakapiring ay alam niyang nakangisi ito. "Secret nga. Ang kulit." Napanguso siya. "Ano, kailangan din kitang halikan para lang sabihin mo?" Ang halakhak nito ay t

