XXXIV

2246 Words

Gabi na at napatulog na ni Rian ang kanyang mga kapatid sa kuwarto ng mga ito. Sabi ni Liam ay isang linggo raw silang mananatili sa islang iyon kasama ang mga kapatid niya kaya naman hindi niya mapigilan na hindi manabik sa oras na makakasama niya ang kanyang mga kapatid. Pabalik na sana siya sa kanyang silid nang may humila sa kanya patungo sa isang madilim na sulok ng vacation house. Sa kaba ay handa na sanang tumili ang dalaga sa pag-aakala na may nakapasok na masasamang loob doon ngunit sinalubong siya ng guwapong mukha ni Liam. Sa inis ay hinampas niya ang dibdib nito. "Liam! Papatayin mo ba ako sa takot?" Mahina itong tumawa. "Bakit, akala mo akyat-bahay ako?" Inirapan niya ito at kumawala sa pagkakahawak nito sa braso niya. "Matutulog na 'ko. Matulog ka na rin." Napakamot ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD