"Ate Rian!" Napakunot ang noo ng dalaga nang abutan siya ng gumamela ng kanyang kapatid na si Ronnie. Nasa may veranda kasi siya at inaayos ang meryenda nila habang ang mga bata naman at si Liam ay naglalaro sa may dalampasigan. Si Claude ay nagpapahinga sa balkonahe sa taas, ine-enjoy ang bakasyon nito. "Ikaw ba ang pumitas nito?" Hindi umimik ang bata. Bagkus ay nagtatatakbo ito pabalik sa dalampasigan. Napa-iling na lang lang siya. Mukhang nahahawa na ang kapatid niya ng pagiging tahimik at pamisteryoso kay Liam. Mayamaya ay si Randall naman ang nag-abot ng gumamela. Kunot-noong tinanggap niya ulit iyon. Napalingon siya sa may dalampasigan at natanaw si Liam na nakatingin sa gawi niya. Kulang na lang ay himatayin siya sa kilig nang nag-flying kiss pa ito sa kanya at ngumisi. Hi

