"Kailangan ba talaga na isama mo ako sa business meeting mo ngayon, Liam?" Hindi umiimik ang lalaki habang inaayos ang seatbelt niya. Nang maikabit iyon ay tiningnan siya nito at sinapo ang kanyang baba. "Are we still going to discuss this, my sweet?" "E kasi naman, hindi ko alam kung anong gagawin ko ro'n. Hin—" "Just stay by my side. That's all. And I want you to be the judge of my associates. Okay?" Hindi na siya umimik. Walang silbi ang pakikipagtalo sa lalaking ito. Kung ano ang gusto nito ay siyang susundin nito. Tahimik silang dalawa habang bumibiyahe patungo sa isang five-star restaurant kung saan nagpa-book ang mga ka-meeting nito. Nauna na si Claude doon bitbit ang mga papeles na kailangan. Palaging tandem ang dalawang iyon kapag may mga meetings maliban na lang kung ang

