Inutusan siya ni Liam na magsuot ng pulang evening dress na hapit na hapit sa katawan niya para sa gabi na iyon. Pairing it with high-heeled stilletos, smoky eyes, red lips, and long, wavy hair, Rian looked like a celebrity that night. Habang papalapit siya sa lalaki na nakasandal sa pulang Ferrari nito ay hindi niya mapigilan na hindi mapatitig nang husto sa kanyang amo. Simpleng puting polo, black vest at black trousers lang ang suot nito. Bagong ahit. Bahagyang nakikita ng dalaga ang malapad nitong dibdib dahil nakabukas ang dalawang unang butones ng polo nito. "Hi, kitten. You look dashing tonight," papuri nito sa kanya. Bahagya siyang napangiti. "Mas guwapo ka ngayong gabi, 'no. Saan ba tayo pupunta?" "Kakain sa ihawan." Liam's laughs echoed in her ears. Napapansin niya na niton

