"Liam, gising na, papasok ka ngayon, 'di ba?" marahang pagtapik ni Rian sa pisngi ng —nahihimbing na lalaki. Hubad-baro ito habang yakap-yakap ang unan na iniwan niya sa tabi nito kagabi. Unti-unti nang nakasanayan ng dalaga ang buhay sa mansiyon. Ilang linggo na rin simula noong kaarawan ni Liam at napansin ng dalaga na mas hinahayaan na siya nitong kumilos sa loob ng mansiyon. Kapag ayaw nitong pumasok ay naging hobby na nilang dalawa na magluto ng pagkain. Minsan ay ipinagluluto niya ito bago pumasok sa trabaho. Madalas ay inaalagaan niya ito, lalo na kapag sumasama ang pakiramdam dahil sa stress. Pakiramdam niya nitong mga nakaraang linggo ay mag-asawa sila. Katulad ng nai-imagine ng lalaki noon. Kahit na sa ganoong paraan ay sumasaya ang dalaga. Kahit na alam niya na hindi niya pag

